Pinilit nalang ni Dennis ibaling ang sarili sa iba at wag ng isipin ang tungkol sa txt na nabasa niya. Ibinalik niya nalang ang cellphone ng kanyang tiyuhin sa dati nitong kinalalagyan at naligo na lamang.
Pagkatapos maligo ay binuksan niya ang cellphone na pinatay niya kagabi. Wala siyang text na natanggap ngayong umaga. Pero bigla niyang naa-lala ang unregistered number na nagtext sa kanya kagabi. Alam niya na mali at hindi maganda ang pagtrato niya sa texter na yun.
Habang tinitignan niya ang text nitong ‘Im Your’s’ ay napapangiti nalang siya. Isinave niya ang numero sa pangalang IM YOUR’S.
Araw ng Linggo noon kaya naman naisipang magsimba ni Dennis. Malayo layo ang simbahan sa kanila dahil nasa bayan ito, kaya kaylangan niya pang sumakay ng jeep o tricycle.
Habang naghihintay ng masasakyan, ay nagulat nalang si Dennis nang may umakbay sa kanya--- Dalawang mga braso iyon. Paglingon niya ay nakita niya si Milo at Joaquin--- dalawa sa mga bestfriend niya.
“Huy tol sari baya ika nag-iyan ta diri namo ika naimud?” agad na salubong sa kanya ni Milo.
“Maray sana ta namangno kita na nagluwas sa baluy niyo.. hehehe inagda ko lugod ining si Milo para kadtuhun ka namo” nakangiting sambit naman ni Joaquin.
Napangiti’t napabuntong hininga naman si Dennis sa dalawang kaibigan. “Tara magsimba kita” alok ni Dennis sa dalawa. Umalis narin siya sa pagkaka-akbay ng dalawa dahil may iba siyang nararamdaman sa init na hatid nito.
“Kaylan ka pa naging makadiyos bro” pilyong biro ni Milo sa kaibigan na may ngiti sa mga labi. Napatitig naman si Dennis sa kaibigan dahil sa lumabas ang pagkacute at pagkagwapo ni Milo sa pag-ngiti nito --- Pinagpapantasyahan nanaman ni Dennis ang kaibigan sa kanyang isipan.
“Huy! Tulala lang?” biglang pagbulaga ni Joaquin sa kaibigang tila tulala na sa harap ni Milo.
“Ay Sorry.. adko sana ko narumruman” agad na pagbawe ni Dennis sa mga tingin niya kay Milo at nagsimula narin siyang maglipat ng tingin sa ibang direksyon.
“Sige na nga.. at mukhang ayaw mo na ata kame dito Dennis” tamputampuhan sabi ni Milo kay Dennis--- Nagulat naman si Dennis dahil dun. “Alis na kami, basta mayang hapon punta ka sa bahay” pahabol pa nito.
“Bakit?” tanong naman ni Dennis.
“Basta may gagawin tayong buong tropa” nakangiting sabi nito sabay tapik pa sa kanang pisnge ni Dennis--- Na palihim na kinatuwa naman ng puso ni nito.
“Hmmmmm.. Paano ba yan mauuna na muna siguro ako sa inyo” si Dennis sa dalawa. “Basta bawe ako mamaya sa pagtago ko sa inyo kahapon hehehe” kasabay nun ang tawanan nilang tatlo.
“Sige..” pahabol ni Joaquin kasabay ng isang kindat. Naglakad na ito paalis kasama si Milo. Ngayong araw ay medyo nawiwirduhan si Dennis sa nagiging aksyon ng mga kaibigan niyang lalaki. Naiisip niya tuloy na nagrereact na nang husto yung bago niyang pagkatao.
Siguro mas nabibigyan na niya ng kahulugan ang lahat dahil tanggap na niya talaga sa sarili niyang isa siyang ---Silahis.
Bigla naman nawala sa mood ng pag-iisip si Dennis nang may dumating na jeep na huminto sa harap niya mismo--- Agad rin siyang sumakay sa medyo may kaluwagan pang dyip.
Mga trenta minuto ang biyahe simula sa baryo nila hanggang sa bayan, kaya umidlip nalang muna si Dennis.
Pero maya maya naman ay nagulat siya nang tila may yumuyugyug sa kanya. Pagmulat niya ay nakita niya ang isang ale.
“Iho.. Iho..” sabi nito sa kanya.
“Ah bakit po?”
“Adko mig-ula siton abay mo.. mag usog ika nang gatikot. Siton na sana pan o kanimo adko ulaan” agad naman umusog si Dennis. Halos dalawang pwesto na pala kase ang kanyang na-ukopa dahil sa kanyang pag-idlip ng panandalian.
Pagka-usog niya ay naupo na ang isang binata sa tabi niya. “Bayad po”, pagbayad ng lalaki sa tabi niya.
Pamilyar kay dennis ang boses na naringig. Ang boses na lalaking lalaki, pagtingin niya ay nakita niya si Daryle. Dahil sa gulat ay napa-yuko si Dennis at di niya alam ang ikikilos sa AWKWARD moment na iyon.
Buti nalang at nakarating na siya sa paparuonan niya. Pagkababa niya ay napansin niya rin na bumaba si Daryle. Pero di na niya nakita kung saan ito pupunta. Agad pumasok si Dennis sa simbahan pagkababa niya.
*****
Alas Diyes Trenta na ng umaga nang naka-uwi si Dennis sa kanilang bahay galing sa pagsisimba. Napahinto siya sa tapat ng pinto ng bahay nila ng makitang bukas ito, pagpasok niya ay naabutan niya ang kanyang tito sa sala nila nanunuod ng Matang Lawin.
Naka boxer short lang ito, umiwas nalang si Dennis dahil kumukulo nanaman ang libog sa kanyang katawan--- Ayaw niyang maulit ang nangyare kahapon sa kanila ng kanyang Tito Romnick.
Pumunta siya ng kusina--- Naabutan niya ngang may sinaing at lutong ulam na dun. Dahil sa nagutom siya lulan sa pagpunta sa bayan ay kumain na siya. Panigurado siya ang Tito niya ang naghanda ng mga iyon.
Pagkatapos kumain ay lumabas muli siya sa kanilang bahay. HindI pa siya nakakalabas ng pinto nang maringig niyang nagsalita ang kanyang tito.
“Saan ka pupunta?” may inis ang tonong tanong ng kanyang Tito Romnick.
Medyo nagulat si Dennis dahil sa pagpansin ni Romnick sa kanya, pero di niya yun pinahalata. “Sa bahay nila Milo po tito” sagot niya sa binata.
“Bilin sakin nila Mama, wag ka daw gala nang gala” sabi pa nito na medyo seryoso parin.
“Hindi naman po kami gagala, punta lang po ako sa kanila” magalang na pagsagot ni Dennis sa kanyang tito.
“Basta wag ka magpagabe..” sabay tingin nito kay Dennis mula sa pagkakatitig sa telibisyon. “Umuwe ka ng maaga” sabi nito sabay balik sa panunuod ng Matang Lawin.
“Opo..” ngiting ngiting tugon ni Dennis.
Di alam ni Dennis kung matutuwa o kikiligin siya sa pagpansin sa kanya ng kanyang tito. Pero na-isip niya naman na baka utos lang talaga iyon ng kanyang lolo at lola na kaylangan talaga nito sabihin sa kanya na wag siya gumala-gala.
Pagkadating niya sa bahay ng kaibigan ay nahalata niyang maraming tao duon. Karamihan klasmeyt nila, pati rin si Myra ay nakita niya. Dahil sa hindi pa siya handa humarap kay Myra---- Naisip niyang umalis nalang agad. Paalis na sana si Dennis ng may tumawag sa kanya.
“Tol!”
Lumingon si Dennis sa tawag na yun at nakita niya si Tonton. Huminto siya at hinintay lapitan ng kaibigan.
“Tara dun tayo” si Tonton nang makalapit kay Dennis habang nakaturo ito sa grupong nagtatawanan at nagkakasiyahan.
“Masama pakiramdam ko tol eh … pwedeng next time nalang?” pagrarason ni Dennis sa kaibigan para maka-alis na siya.
“Nuh ka ba tol andun kaya syota mo”
“Wala na kame nun” mabilis na sagot ni Dennis sa kaibigang si Tonton.
“Ano?!” gulat na bulalas naman ng kaibigan niya.
“Bakit? May problema ba dun?” seryosong tugon ni Dennis habang nakasulyap kay Myra. Pero kahit anong pilit niya ay wala na siyang nararamdaman na kakaiba sa dalaga.
“Bat hiwalay na kayo? Grabe sa gayun ni Myra hiniwalayan mo tol?” muling pag-uusisa ni Tonton kay Dennis na hindi na komportable sa nagiging usapan nila ng kanyang kaibigan.
“Basta.. mahabang kwento” ani ni Dennis sa kaibigan. “Wag mo na muna alamin, wag ka munang makulit” medyo inis na tugon ni Dennis.
“Okay..” tipid ngiting sagot ni Tonton sa kaibigan.
“Tol di ako galit aa?” si Dennis na tinapik pa ang kaibigan. “Pakisabi nalang kay Milo, na masama pakiramdam ko” nakangiting sabi ni D ennis sa kaibigan.
“Sige tol ingat..” malungkot na paalam ng kaibigan ni Dennis habang papasok na sa gate ng bahay ng kaibigan nilang si Milo.
Napahinto si Dennis sa paglalakad ng maringig niyang nagbukas ang video-oke at nagsimulang tumugtug sa saliw ng musikang “IM GONNA BE AROUND” ng isa sa mga paborito niyang banda--- Michael Learns to Rock.
Nakatayo lang si Dennis sa kinahintuan niya dahil gusto niya maringig ang boses nang aawit ng isa sa mga paborito niyang kanta--- At di nga siya nabigo dahil maganda ang boses ng umaawit, isang boses na tiyak masasabi niyang pwede naring pambato sa mga naglalakihang singing contest dito sa Pilipinas.
Kinikilig si dennis habang pinapakingan ang uma-awit. Di niya alam kung anong nararamdaman niya tila ba nahuhulog na ang puso niya sa boses na iyon. Hanggang sa natapos ang kanta ay di parin kilala ni Dennis kung sino ang nagmamay-ari ng magandang boses.
Palakpakan ang mga tao sa malaking kubo nila Milo, dahil sa matagumpay at nakaka-inlove na Pag-awit ng lalaki. Wala namang kilala si Dennis na kaklase niya na maganda ang boses, kaya hindi mapigilan ni Dennis ang mag-isip nang mag-isip. Hanggang nakita niya na may paparating patungo sa kinatatayuan niya. Kaya agad tumakbo si Dennis pauwi sa kanilang bahay.
Toot toot … (1 Message Received)
Sumilong muna si Dennis sa puno ng palumagon (Duhat like Fruit) sa gilid ng sapa upang magpahinga. Tanghaling tapat na kasi nun kaya napaka-init ng panahon. Pagka-upo niya ay agad niyang kinuha ang cellphone at binasa niya and dumating na text message.
IM YOUR’S:
Hi, galit ka pa?
Napangiti naman si Dennis dahil nagtxt ang kanyang anonymous textmate. Kasabay ng ngiti niya ang pagdampi ng sariwang hangin sa kanyang katawan.
*Reply:
Badtrip lang talaga ako kahapon. Sorry
(Sent!)
IM YOUR’S:
Ah ganun ba …
*Reply:
San mo ba nakuha # qoh?
(Sent!)
IM YOUR’S:
Ah ang totoO kasi niyan, magkakilala nman tayo.
*Reply:
ah talaga ? eh sino ka Po?
(Sent!)
IM YOUR’S:
DARYLE, classmate mo
Nagulantang ang pakiramdam ni Dennis sa mga oras na iyon. Hindi niya inaasahan na si Daryle ang nagmamay-ari ng unrigestered number na nagtext sa kanya kagabi!
*Reply:
:)
(Sent!)
IM YOUR’S:
bat Smiley?
*Reply:
waLa lang bat ka pala napatxt?
(Sent!)
IM YOUR’S:
Ah parang sa lahat kasi ng klasmeyt q ikaw lang ang di ko close at kahit ngitian di man lang tayo nagbibigayan.
*Reply:
ganun talaga … sungit mo eh
(Sent!)
IM YOUR’S:
weh .. pero panay ang sulyap mo sakin lage.
*Reply:
huh ….. tsk
(Sent!)
IM YOUR’S:
huli kaya kita lagi .. tinititigan mo q . Gwapo ba qoh?
*Reply:
huh, what do you mean ba?
(Sent!)
IM YOUR’S:
wala nevermind :)
*Reply:
cge tol may gagawin pa kasi qoh … nxt tym nalang. Bay
(Sent!)
IM YOUR’S:
Gagawin? … pero nasa ilalaim lang siya ng puno sa gilid ng sapa :)
*Reply:
Huh?????
(CHECK OPERATOR SERVICE!)
*****