Kalabisan ang ginawa ni Lara. Kaya naman halos wala siyang mukhang maihaharap kay Jason pagkatapos ng nangyari. Ilang minuto na ang nakalipas pero nakakabaliw na katahimikan ang namayani sa loob ng condo unit ni Jason. Ni hindi na nga niya naalala kung paano siya nakarating sa unit nito dahil natangay siya kanina ng sensasyon at kahihiyan. Napagtanto niya na lang na nakapasok na pala siya sa loob ng unit nang marinig niya ang malakas na tunog ng pagkakasarado ni Jason sa pinto. Nakaupo sa katapat na sofa si Jason at seryosong nakatitig kay Lara. Tila ba may malalim na iniisip. Kaya sa sobrang hiya ni Lara, gusto na niyang lamunin siya ng lupa o kaya'y magteleport para matakasan niya nakakaasiwang sandaling 'yon. "Argh! Stupid me! Why did I kiss him?" piping saway niya sa sarili. Gustong-g

