Walang mapaglagyan ang pagkabanas ni Lara kaya padabog siyang naglakad pabalik ng kuwarto nila. Pinaghahablot niya ang mga gamit at pilit pinagkakasya sa maleta niya. Wala siyang pakialam kung kaniya ba ang ibang gamit o kay Ria, basta ang mahalaga ay makapag-impake na at makalayas. Gustong-gusto na niyang makalayo sa lugar na iyon. Isa pa, ayaw niyang abutan sila ng gabi sa daan dahil dalawang oras pa bago nila marating ang Baguio. "Ria, pakibilisan baka abutan tayo ng gabi sa daan. Tulungan mo na si Kuya Isme sa labas sa ibang mga gamit. Ako nalang dito." Ang tinutukoy ni Lara ay ang cameraman. "Yes, Ms. Lara. Pupuntahan ko na po si Kuya Isme sa kabilang kuwarto." Dali-dali nitong sinalansan ang mga gamit sa maleta at lumabas. Nang matapos sa pag-iimpake ay agad-agad siyang lumabas at

