Napalunok ako ng wala sa oras. Maygahd! Nakarating kami sa karinderya na magkahawak ang kamay!? At naka intertwined pa!? Oh lupa! Lamonin mo ang mga tao dito! Huwag lang ang tindera at karinderya kase gutom na ako. Pero kidding aside, hindi naman ako ang humahawak eh. Siya lang naman tapos ang higpit pa! Ano kaya ang isipin ng mga tao dito lalo na't kilala nila akong lahat? Maygahd, wag naman sana nilang isipin na jowa ko to. Kahit pangalan niya hindi ko nga alam eh! Pa'no ko magiging jowa yun?
"So, are we going to stand here for the rest of our lives?" Tanong nito dahilan para bumalik ako sa realidad.
Hay ang kamay ko. Ang kamay namin. Magkahawak parin. Wala ba siyang balak bitawan ito? Hindi niya pa rin ba nakuha ang ibig sabihin ng mga tingin ng mga tao? Na parang kinikilig pa!? Anuba. Ang awkward.
"What's happening to you, Diana? Are you--
"Let's go!" Hindi ko na siya pinatapos sa kaniyang sasabihin at hinila ko na siya sa loob kung saan nakadisplay ang iba't ibang klase ng ulam. Tumayo lang ako at naghintay sa kanya sa pagpipili niya ng ulam pero sa huli, ay pareho kaming naghihintay sa wala. Anuba! Mag-order kana kase! Pinauna na nga kita eh.
"Ano po ang oorderin nyo Ate Diana?" Medyo nahihiyang tanong ni Kara na siyang anak ni Aling Maria na may-ari nitong karinderya. Pwede na siguro akong tumula dahil lahat ng sasabihin ko ay puro tugma.
"Hey! What do you want?" Tanong ko dito sa kasama ko. Sa wakas ay naibitawan niya na ang kamay ko. Akala ko kase panghabang buhay na.
"Uhm? I don't know" Giit nito.
Sige na nga. Ako nalang ang oorder para sa atin. I mean, para sa akin at sayo na din. Ay, Diana. Pareho lang naman yun eh
"Okay Kara, bigyan mo kami ng isang serve ng pinakbet, bagnet, longganisa, at adobong baboy. Atsaka dalawang kanin na rin."
"Okay po Ate. Noted."
Pumunta ako sa sulok dahil doon nalang ang may bakanteng upuan. At pandalawahan pa. Sumusunod naman sa akin ang kasama ko. Ano nga ulit pangalan nito?
"Hey! What's your name again?" Tanong ko dito nang makaupo na kami.
"What!? You don't know my name? I thought Mae and Sky already introduced me, my name, and my other information to you."
"What I know about you is that you're a model, and that's it"
"Okay, I am Franki Russell, 24 years old, half Kiwi half Filipino." Pagpapakilala nito sa akin. Ah? Franki lang pala pangalan niya, bat naman napunta ako sa Frances at France na yun? Sobrang layo. Pero pareho pala kaming half half dito eh. Pareho kaming kiwi kaso half nga lang.
Dumating na ang inorder naming pagkain. I mean is, ang inorder ko lang pala. Isa-isang nilapag ni Aling Maria ang lahat ng ulam at kasunod nito ang dalawang kanin. Atsaka isang pitsel pang tubig.
"Diana, mabuti naman at bumalik ka ulit dito! At kasama mo pa ang maganda mong girlfriend. Sa wakas at makilala ko na siya! Ikaw kase eh! Puro ka lang ngiti kapag tinatanong kita kung kailan mo siya dadalhin dito! Ano pangalan mo, ija?"
Wala sa sariling napahilamos ako sa aking mukha dahil sa mga katagang binitawan ni Aling Maria. Mabuti na lamang at hindi makaintindi ng Tagalog ang isang to. Kundi isa na namang kahihiyan at awkward.
"Oh? I don't know what are you talking about, but you can translate it in English so that I can come up with an answer if you are asking me some question."
"Oh! Diana, hindi mo man lang sinabi sa akin na english speaking pala itong jowa mo?" Natawa naman ako sa tinuran ni Aling Maria. Hindi ko nga alam kung anong gagawin ko ngayon. Tapos bigla pa akong naging pipi dito. Sobrang gutom na ako eh, tapos magchichika pa siya. Huhu.
"Hindi ko po siya jowa, Aling Maria" Pagpapaintindi ko naman sa kanya.
"At sa tingin mo ba, Diana, ay maniniwala ako sayo? Magkaholding hands kaya kayong pumasok dito. Wag ka namang ganyan. Wag mo namang ideny ang napakagandang babaeng ito" Wika nito at itinuro pa si Franki. Kaya ang isa naman ay gulong gulo sa amin ngayon. "By the way, what's your name, ija?"
"Oh, me? I'm Franki!" Masiglang saad nito. Ay, ewan ko sa inyong dalawa dyan. Basta ako kakain na.
"What a beautiful name it is, just like you. That's why Diana is deads na deads sayo." Bigla naman akong nasamid sa mga pinagsasabi ni Aling Maria kay Franki. What. Ow. Mehn. Anoba! Universe! Sumusubra na po sila. Nananahimik na nga ako dito eh.
"Ow? But Diana is still alive, and she's eating there.". Nasamid na naman ako ulit dahil sa napakainosenteng sagot ni Franki. May balak ba silang patayin ako dito!?
"Oh what I mea--
"Aling Maria, marami na pong customer." Awat ko na sa kanya. Baka kase sa ikatlong pagsamid ko ay malagutan na ako ng hininga.
"Ay oo nga pala. Sige, sa susunod nalang ulit." Pagpapaalam nito. Walang ng susunod, okay? Ayoko na. Magluluto na ako sa bahay.
"Hey, what's that look?" Turo ni Franki sa mukha ko. What? Did I made some face out loud? Sino ba naman ang hindi, eh ikalawang beses na akong masamid. 50/50 kaya ang lagay ng buhay ko sa pag-uusap nila. Sana talaga, hindi na mag cross ang landas nilang dalawa.
"You know, let's just eat." Kahit kanina pa ako kumakain dito.
"Okay, as what you've said."
Kunot-noong tinignan niya ang lahat ng pagkain na inorder ko maliban sa kanin at tubig. Ano naman bang problema nito? Don't tell me na pupunta pa kami ng New Zealand para maghapunan? Kase hindi niya bet ang mga pagkain dito. Hay Lord, sana hindi nalang ako pumayag kay Ate Mae kanina.
"Uh, what's this? And this? And that?" Turo niya sa mga ulam. Ano? Magkecare to explain na naman ba ako? Nakakapagod na po.
"A food." Sarkastiko kong sagot dito. At nagpatuloy na ako sa pagkain. Pwede bang kumain ka nalang dyan at wag nang maraming tanong? Minsan nauubusan din ng pasensya ang tao.
"Hey, what do you call to this brown meat with black sprinkles and a rotten leaf?" Napaestatwa naman ako sa description niya. Ano bang ulam ang tinutukoy nito?
"Adobo"
Sige isang tanong pa at magwowalk out na ako.
"Oh, so this is adowbow. So what about this yellow squa--
"Frankiiiiiii!"