"So? Ganon ganon nalang yun!? Hindi mo man lang siya pupuntahan!? Hindi mo man lang siya hahabulin!? Mahal mo ba talaga siya o ano!? Grabe ang weak mo naman!?" Pagwawala din ng isa dito. Dumating na kase siya, at kukunin na niya ang kotse niya sana pero inuuna pa ang pagwawala dito sa tabi ko. Ikinuwento ko na din sa kaniya ang nangyari sa buhay ko. Kase hindi ako tinantanan kanina pagkarating niya. Nakita niya din kase ang kalagayan ko dito. Ang pagkalugmok ko. "Unang punta ko dito! Hindi pa kayo! Pero nang makabalik ulit ako dito, ay wala na pala kayo! Sheda! Ang saklap mo naman Diana! Hindi mo man lang hinayaan ang Kuya mong makita ang kapatid niyang masaya dahil sa pagmamahal! Hindi ko pa nga siya nakita kung paano mo siya napa-ibig eh! Ang daya mo! Hindi mo man lang ako binigya

