"Ow? What I mean is, what if I'm getting cold again? And you're not here by my side?" Ulit nito. Bakit ba palagi niya lang iniiba ang kaniyang statement? Minsan masyadong paasa din eh! Hindi ako kumibo dito. Hindi ko din kase alam ang magiging desisyon ko eh. Pero may point siya doon. Paano kung lalamigin na naman to ulit? Tapos wala ako sa tabi niya? Diba responsibilidad ko siya? "Sige na please?" Pagpupumilit pa nito sa akin. Tuluyan na nga siyang umupo dahil hindi parin ako nakasagot. Hay. Oo na! Sige na nga. Gusto ko rin naman eh. Pero hindi ko lang ipapahalata. Hahaha. "But I'm just one call away lang eh. Kapag lalamigin ka mamaya, tatawagan mo lang ako." Pagdadahilan ko. Gusto ko lang kase malaman kung gaano niya ako kagustong patulugin dito. Kahit nakapagdesisyon na ako na dit

