Chapter 5 – Desire

1743 Words
15 years ago, nag-promise si dad na mag-ma-migrate na kami sa ibang bansa pagkatapos na pagkatapos ng project na rito sa San Mateo. Kaya nga sobrang excited din ako no’n kasi gustong-gusto ko talagang tumira sa ibang bansa that time. Natatandaan ko pa nga kung paano ko ipagyabang sa mga kaibigan ko na aalis na kami. Nag-celebrate pa kami no’n dahil nga baka matagalan bago ulit kami makabalik dito, lalo na at plano na talaga namin na sa ibang bansa na talaga mag-stay for good. Little did I know na ako na lang pala ang pupunta ng ibang bansa. Dahil updated ako sa nangyayari sa HI Company at AMG Group, alam ko na may financial issue silang kinakaharap ngayon. Pinapalabas nila sa publiko na maayos at tuloy-tuloy pa rin ang pamamalakad nila sa AMG Group pero ang totoo ay malulugi na ang kompanya kaya naman plano nila na ipag-merge ang dalawang kompanya. Kaya nga rin ikinasal si Haruko at Avani ay dahil dito. Pero syempre ang alam ng lahat ay nagmamahalan ang dalawa dahil ayon ang pinapakita nila sa mga tao. Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit marami pa ring nagbubulag-bulagan kahit alam na nila kung ano ang totoo. It’s been years simula no’ng ikasal ang dalawa pero hanggang ngayon ay hindi pa rin naman nag-me-merge ang HI Company at AMG Group. Kaya naman palagay ko ay hindi sang-ayon si Haruko sa plano ng mga Georgie lalo na at siya ang kasalukuyan na president ng kompanya. Hanggang ngayon nga ay wala pa rin silang anak ni Avani kahit ilang beses na rin nabanggit ni Avani sa media na gusto na niyang magka-anak. Ang dahilan na nga lang niya kapag tinatanong siya ay parehas silang busy ng asawa niya. Hindi ko rin maisip kung bakit pumayag si Haruko na magpakasal kay Avani kung wala naman pala siyang plano na ipag-merge ang dalawang kompanya at bigyan ng anak ang asawa. Ang alam ko bago sila ikasal ay may girlfriend talaga si Haruko. Nagpa-plano na nga silang magpakasal na dalawa kahit na tutol ang tatay niya sa relasyon nila. Pero biglang dumating sa eksena si Avani na matagal na palang may gusto kay Haruko. Magka-kaklase silang tatlo kaya naman matagal na rin silang magkakakilala. At ‘yong girlfriend dati ni Haruko ay matagal na talaga niyang kasintahan. Pero base rin sa mga kaibigan nila ay ilang beses sinubukan ni Avani na yayaing makipag-date si Haruko pero tumatanggi naman ‘to dahil nga may girlfriend siya. At dahil spoiled brat ‘tong si Avani ay walang bagay o tao siyang hindi nakukuha. Kaya nga nagulat ‘yong mga kaibigan nila no’n na bigla na lang nakipag-break si Haruko sa girlfriend niya at naging sila ni Avani ilang linggo matapos mangyari ‘yon. Naging usap-usapan din na nabuntis daw ‘yong babae kaya nakipaghiwalay si Haruko. Ang sabi pa nga ng mga kaibigan no’ng babae ay walang iba ‘tong lalaki bukod kay Haruko. ‘Yon nga lang ang pinakahinala ng karamihan ay si Avani ang dahilan. Nasa ibang bansa talaga ako no’ng nangyari ‘to. Pero dahil kay Charlotte ay nalaman ko ‘yong story ng dalawa, kung paano naging sila hanggang sa ikasal sila. Naalala ko pa nga kung paano ako ilang beses ni-remind ni Charlotte sa kasal ng dalawa. Kung makapag-remind siya sa akin, daig pa namin ang mga invited sa kasal. At saka kahit hindi naman niya ako i-remind ay malalaman ko pa rin. Kalat na kalat ba naman kasi sa lahat ng magazine ‘yong kasal nilang dalawa. Talo pa nga nila ‘yong mga artista sa dami ng update sa buhay nila. Pasalamat na lang din ako ro’n dahil mas madali kong nalalaman kung anong kaganapan sa buhay nila lalo na at wala naman ako sa San Mateo. Dahil ilang araw na rin akong nandito sa unit ko ay naisipan ko naman na lumabas para naman makasagap ako ng sariwang hangin. Isa pa ay naiirita na rin talaga ako dahil kahit saang channel pagmumukha ng mga Georgie ang nakikita ko. Kaysa naman masira ko ‘yong TV ko ay magpapalipas na lang ako ng oras sa labas, sakto rin naman na sinisipag ako ngayon. Kaya naman matapos kong mag-ready ay dumiretso na rin ako sa mall. May malapit na mall sa unit ko pero gusto ko sa mas malayo para naman masulit ko ang paglabas ko. Lalo lang kasi akong tatamarin kapag alam ko na malapit lang unit ko kaya ang ending ay baka umuwi lang din ako. Isa pa ay may sasakyan naman ako kaya hindi na problema ang pagbyahe. Wala talaga akong plano kung ano bang gagawin ko ngayong araw kaya naman nag-shopping na lang ako. Sakto rin naman na kaunti lang ‘yong damit na dinala ko rito. Pagkatapos ko rin kasing magawa ang plano ko ay babalik na rin akong London at hindi na tutuntong pa sa lugar na ‘to kahit kailan. Hindi ko alam kung gaano katagal na akong nagsha-shopping, naisipan ko lang na magpahinga no’ng marami-rami na ang dala ko. Ramdam ko na rin kasi ang pagod, kaya naman saka lang ako nakaisip na kumain no’ng kumalam na rin ang sikmura ko. Dahil marami-rami rin ‘yong napamili ko ay iniwan ko muna sila sa sasakyan para na rin hindi ako mahirapan. Ayoko naman maglakad-lakad na mraming bitbit na paper bag. Weekday ngayon ay dinner time na kaya naman hindi gano’n karami ‘yong tao rito sa mall. Which I much prefer dahil mas komportable ako kapag hindi gano’n karami ‘yong tao kapag kakain ako. Sakto rin naman na may nahanap agad ako na hindi masyadong crowded. I ordered as soon as I sit. Bukod kasi sa pagod na ako ay nagugutom na rin ako kaya naman kung anong makita ko sa menu ay in-order ko na not knowing anong food ‘yon. I can take it out naman kung sakaling hindi ko magustuhan o maubos kaya ayos lang din. While waiting for my order sakto naman napatingin ako sa may pintuan dahil rinig na rinig ‘yong kwentuhan no’ng mga papasok ng resto. Nasa may bandang dulo kasi ako at nakatalikod sa may pinto para hindi masyadong takaw tingin sa mga dumadaan. And to my surprise, nakita kong pumasok ‘yong mga taong hindi ko inaasahan na makikita ko ngayong araw. Pakiramdam ko ay tumigil ‘yong oras at biglang nawala ‘yong mga tao sa paligid dahil sila lang ang nakikita ko. Ramdam ko na bumibilis na ang t***k ng puso ko pero pilit kong kinakalma ang sarili ko dahil ayaw kong dito gumawa ng eksena. Hindi ito ang tamang lugar at oras kaya kailangan kong kontrolin ang sarili ko. Mabuti na lang at dumating na ‘yong waiter para i-serve ‘yong pagkain ko kaya naman kahit papano ay nabaling sa kanya ang atensyon ko. Pagkaalis naman niya ay do’n ko lang napansin na naupo pala sila malapit lang din sa pwesto ko kaya naman rinig na rinig ko ang usapan nila. Kahit na gustong-gusto kong tumingin sa likuran ko para makita ang mukha ni Antonio Georgie ay pinigilan ko talaga ang sarili ko. Sigurado naman ako na hindi niya ako matatandaan pero ayokong sumugal, lalo na at hindi pa ito ang tamang oras. “Why do we need to eat outside when we can eat at home,” maarteng sabi ni Avani. Napatingin pa nga sa kanya ‘yong mga waiter dahil pabalang siyang naupo. Walang modo talaga kahit kailan. May pinag-aralan pero hindi kayang ilugar. Hindi ko tuloy ma-imagine kung paano natitiis ni Haruko ang ugali ng asawa niya. “We’re meeting Bernard,” sagot naman sa kanya ni Antonio, tatay ni Avani. Mas lalo namang napahigpit ang hawak ko sa kutsilyo ng marinig ko ang pangalan na ‘yon. Sa labing limang taon na lumipas ay isa ‘yon sa mga pangalan na hindi ko kinalimutan. Ni minsan ay hindi ko inalis sa isip ko ang pangalan ni Bernard, ang taong nagpahirap at pumatay kay daddy. Si Bernard Santiago, ang kanang kamay ni Don Antonio Georgie. May pinag-usapan pa sila pero hindi ko na masyadong naintindihan pa dahil masyado na akong nilamon ng galit ko. Sa sobrang pagpipigil ko na itarak sa lalamunan nila ang kutsilyo na hawak ko ay bumabaon na ‘yong kuko ko sa palad ko. Ilang sandali pa ay may pumasok at nang tignan ko kung sino ay siya lang naman ang isa sa kinamumuhian ko. Ngayon na nakita ko siya ulit matapos ang ilang taon ay muli na naman sumikip ang dibdib ko. Muli na naman nanumbalik ‘yong sakit. Iba pa rin pala talaga kapag nakita mo na sila ng personal. Hindi ko nga alam kung paano ko nagawang kontrolin ng ganito ang sarili ko. Kasi kung hindi, baka unang kita ko pa lang sa kanila ay nagkakalat na agad ang dugo sa buong resto. “You’re here,” Antonio said. “I’m sorry, Sir, I’m late,” Bernard said. Ngayong narinig ko ang boses niya ay para akong nabingi kaya naman saglit akong napahawak sa ulo ko. May lalapit pa nga sana sa akin na waiter pero sumenyas na lang ako na ‘wag. Baka kasi mamaya ay mapansin kaagad ako lalo na at nagkita na kami ni Haruko sa party. Kung ano-anong ingay na ang naririnig ko dahil halo-halo ‘yong boses sa tainga ko pero malinaw sa pandinig ko ‘yong tawanan nila. Pakiramdam ko ay kaunti na lang magdudugo na ang palad ko dahil sa sobrang pagdiin ko ng kamao ko. Biglang hindi ako makahinga kaya naman dali-dali akong dumiretso sa banyo. Pagpasok ko ay ni-lock ko agad ang pinto at dumiretso ako sa lababo. Hindi naman ako tumakbo pero hingal na hingal ako. Nang tignan ko rin ang kamay ko ay kitang-kita ang marka ng kuko ko. Pero wala naman akong pakialam kung magkasugat man ako dahil gagaling din naman ‘yon matapos ang ilang araw. Pero itong galit ko ay hindi agad-agad mawawala. Nagtatalo na nga ang isip ko kung mag-stay pa ba ako o uuwi na lang dahil hindi ko sila kayang makasama sa iisang lugar. Sa huli ay naisipan ko pa rin na mag-stay dahil gusto kong marinig kung ano ang pag-uusapan nila. Iisipin ko na lang na umaayon sa akin ang tadhana dahil sila na mismo ang lumalapit sa akin kahit na wala akong gawin. Kaya naman ihanda na nila ang mga sarili nila dahil malapit na nilang maramdaman ang bagsik ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD