Chapter 21

1305 Words

"AYANNA." Kinagat ko ang ibabang labi ko nang marinig ko ang boses na iyon ni King Ezekiel mula sa aking likod. Mababakasan ko din ng pag-alala sa boses niya ng tawagin niya ang pangalan ko. Napakurap-kurap din ako ng mga mata nang maramdaman ko na naman ang panunubig ng aking mata sa sandaling iyon. Mayamaya ay naramdaman ko ang pagtabi niya sa akin. "Let's go?" yakag na niya sa akin paalis. Umiling-iling naman ako, ayoko pa na umalis. Gusto ko pa na manatili do'n. "M-mauna ka na. D-dito pa ako," sagot ko naman nang hindi tumitingin sa kanya. Nanatili ang tingin ko sa dalawang lapida na nakasulat ang pangalan nina Papa at Mama. Kakatapos lang ilibing ang mga magulang ko sa isang Private Cemetery. Tanging pamilya at kakilala lang namin ang nakilibing. Hiniling ko kasi na maging pribad

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD