Ba't ako? Maaga akong nagising katulad ng nakasanayan ko sa bahay. Sinilip ko si Toshi sa crib na mahimbing paring natutulog. Ngayon ko lang ulit napagtanto na wala na kaming dalawa sa bahay. Nandito na kami sa puder ng ama niya. Sa bahay ng isang Delafuente. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Gustuhin ko mang maging masaya nalang pero parang may malaking espasyo sa loob ko at hindi ko mahanapan ng rason kung ba't ganito nalang ang nararamdaman kong lungkot. Lumabas ako para makapaghanda ng makakain sa umaga. Ipagluluto ko nalang siguro siya para naman makabawi ako sa kasalanan na nagawa ko sa kanya. Sa pagsisinungaling ko. "Good Morning hija." Napakurap ako nang madatnan ko iyong matandang katulong nila dito sa kusina. Medyo nagulat pa ako dahil nga akala ko ay w

