Limang Buwan Nagcelebrate nga kami ng Christmas sa 3DBar. Nakakatuwa dahil ito ang kauna-unahang beses na kasama ko silang magcecelebrate. Masaya talaga silang kasama. Iyong tipong kahit hindi pa ako gaanong matagal sa grupo nila ay tanggap na tanggap na nila akong lahat. Pansin ko si Sky hindi ako masyadong kinakausap. Pero sabi nila mas magtaka ako kung kakausapin ako niyan. Normal daw talaga sa kanya iyang ganyan siya, tahimik. Pati ang pagsapit ng New Year ay masaya naming sinalubong. Wala akong mapagkumparahan ng saya. Iyong tipong wala kanang mahihiling pa kay Santa dahil pakiramdam mo ay nasa iyo na ang lahat. Ipinaramdam sa akin ni Harel na sa kabila ng gusto ng ama niya ay paninindigan niya and desisyon niya. "Have a seat hija." Malaawtoridad nitong sabi sa akin. Umupo ako sa

