Blessing
Pumasok rin ako sa loob. Nang magsimula ay nagtitili na ako. Nagagawa ko pang tumalon dito sa kinatatayuan ko. Ni hindi ako umupo sa upuan ko lalo na't nakatayo na ang lahat.
May iba't ibang model ang rumampa suot suot ang mga magagandang damit. Ang gugwapo nila pero ang hinihintay talaga ng mga mata ko ay ang imahe ng lalaking sinadya ko talaga dito.
"Gosh! JK is so hot! I saw him awhile ago at the backstage! He's so f*****g hot!" Narinig kong sabi ng isa ditong babae sa gilid ko. Grabe naman siya kung makapantasya sa asawa ko. Tapos englishera pa. Ang ganda niya rin pero halatang mataray eh. Yung suot kasi yung parang tshirt na hinati kaya medyo nakikita yung pusod niya. Tapos ay nakashort pa siya na umabot ata sa puson niya. Anong tawag diyan sa suot niya? Ba't parang kinulang lahat sa tela?
"Why are you staring at me like that... ugly face?" Nagtaas siya ng kilay sa akin kaya napakurap ako at nag-iwas nalang ng tingin saka itinuon sa stage. Narinig ko pa silang humalakhak ng katabi niyang babae. Mapanuri ang tingin nila sa akin. Sinimulan nila iyon sa paa ko hanggang umakyat ito sa mukha ko at napahagikhik sila.
"She can afford the VIP ticket but she can't afford a fine clothes? Kidding me?" Humalakhak yung babae
"What's with her cheap outfit? Masyadong off fashion. And her hair... di ba siya nagpasalon?"
"Maybe naubos yung pera niya sa pag-iipon ng ticket. That's why she can't even afford to make-over herself right now." Nagtawanan silang dalawa at nagawa pang mag-apir. Pasimple akong napayuko at pinagmasdan ang sarili ko. Anong meron sa suot ko? Cheap? Eh talagang binili ito ni mama sa ukay ukay kaya mura lang. Tapos off fashion daw? Eh kasi naman mahirap lang kami kaya wala akong pambili ng mga damit na naaayon ngayon sa panahon. Ang importante lang naman talaga sa akin ay may desente akong nasusuot. Kumpara sa suot niyang kinulang sa tela mas matino pa itong sinasabi niyang cheap eh. Mumurahin nga lang ito pero buo at natatabunan ang buo kong katawan. Eh sa kanya, ang mahal mahal pero kinulang naman sa tela.
Magaganda sana pero ang panget ng mga ugali. Pantay lang naman pala kaming tatlo eh. Ako panget ako pero maganda naman ang ugali ko!
Hindi ko na pinatulan pa ang dalawa. Di ko rin naman alam kung anong sasabihin sa kanila. Hindi naman sila ang ipinunta ko dito kundi si JK kaya doon ko itutuon ang buo kong atensyon.
Ilang sandali nga lang ay siya na ang rumampa. Nang makita ko ang mukha niya ay awtomatiko na talaga akong napatili. Para akong maiiyak sa tuwa habang pinagmamasdan siyang naglalakad na paabante. Ang seryoso ng mukha niya. Sobra pang gwapo! Anong ginawa niya sa paghohomeschool niya at ganyan na siya kagwapo? Yung katawan niya parang lumaki! Yung balikat niya! Ang ganda na ng pagkakahulma ng katawan niya! Binatang binata na siya tingnan!
Nang makarating siya dito sa harapan at malinaw ko nang napagmasdan ang mukha niya ay naiyak na talaga ako kakatili. Di ko na napigilan pang maging emosyonal. Halos abot kamay ko nalang ang lalakeng pinapangarap kong magiging asawa ko rin balang araw!
"JK! JK!" Pumapaibabaw ang mga boses nila na sinisigaw ang pangalan niya.
"JK anakan mo ako! JK! Ako ang asawa mo! JK!" Sigaw ko narin. Wala na akong maisip pa na isigaw. Basta ay sinunod ko lang ang sinabi sa akin ni Shy na isigaw ko lahat lahat! Dapat ay makuha ko ang atensyon niya sa anong paraan. Desperada na ako.
"JK Delafuente! JK! Hawak ko ang anim mong pinsan! Pag hindi mo ako pinakasalan mababaog ka! Panindigan mo ako! JK Delafuente!" sigaw ko ulit. Ni hindi ko na naipapasok sa kokote ko ang pinagsisigaw ko. Para bang kusa nalang iyong lumalabas sa bibig ko. Kusa nalang iyong binibigkas ng dila ko.
"Hoy JK Delafuente nagfafashion show ka lang pala dito! Yung anak natin sa bahay ngumangawa na! Kung makarampa ka diyan akala mo wala kang asawa! Uwi na sa bahay! Baba diyan!" dagdag ko pa. Di ko na alam kung nasa matinong pag-iisip pa ba ako nang oras na ito. Nakakabaliw rin naman kasi ang imahe niya. Di ko mapigilang hindi magpakalokaloka dahil ni katiting ata ay wala na akong mahagilap na matino sa loob ko. Pinapabaliw ni JK ang bawat kasuluksulukan ko. Niyayanig niya ang mundo ko! Pinapahuramintado ang sistema ko!
"Panindigan mo itong fetus sa loob ko! JK!!!" Humahagulhol kong sabi. Ramdam ko ang pag-agos ng luha sa mga mata ko at dumadaloy na sa pisngi ko pababa sa leeg ko. Wala na akong pakialam kung ang panget ko na sa oras na ito total hindi rin naman ako naging maganda buong buhay ko.
Marahang natawa si JK at naibaling ang tingin sa akin. Kitang kita ko kung paano siya ngumiti sa akin.
Sa sobrang gulantang ko sa nakakasilaw niyang ngiti ay nagwala na talaga ako dito sa kinatatayuan ko. Nagawa ko nang mangisay. Kung pwedeng yugyugin ko itong babae sa tabi ko ay gagawin ko. Hindi ko makalimutan ang mukha niyang ngumiti sa akin bago siya tumalikod at rumampa paalis. Nginitian ako ni JK! Yung ngipin niyang malakuneho! Ang gwapo! Ang cute! Nakakabaliw!
Ilang minuto akong iyak lang nang iyak. Hindi talaga ako makamove on. Nanginginig pa yung kamay ko habang nagvivideo. Ewan ko nga kung malinaw ba iyong mukha niya doon. Pero nahuli ng camera ko ang pagngiti niya sa akin! May ebidensya ako!
Pang-ilang beses siyang rumampa. Pero hindi na siya gaanong humihinto dito sa harap at derideritso na ang talikod para bumalik doon sa backstage tapos ay magpapalit naman. Tili lang ako nang tili. Kahit tinatakasan na ako ng boses ko ay pinipilit ko parin na may mailabas ako. Di ko magawang kumalma kung nasa harapan ko na siya at rumarampa pa!
"Nginitian ako ng asawa ko! Nginitian niya ako!" Humahagulhol kong daing dito habang pinapanood na iyong video.
"Ew. Ang cheap naman ng reaction niya. Skwater. Tapos ilusyunada pa." narinig kong sabi ng isa. Ba't pinupuna niya ang pinaggagawa ko dito? Wala naman akong sinasabing masama sa kanya ah?
Hindi na ako nag-abala pang bigyang pansin yung babae na panay lait sa akin kaya umalis rin agad ako. Mukhang aalis narin kasi si JK dahil tapos na siyang rumampa. Tapos narin yung fashionshow eh.
Mabilis akong nagtungo sa parking lot. Hindi nga ako nagkamali sa kutob ko dahil nandoon sila. Pero laking gulat ko nang nandito rin si V! Hindi ko alam kung sino ang una kong pagtutuunan ng pansin. Kapwa sila nakatingin sa akin. Gulat ang mukha na ewan.
"JK Delafuente! V! JK Delafuente!" Halos mabaliw ako sa kakasigaw sa pangalan nilang dalawa. Pabalik balik lang rin ang tingin ko sa kanila. Gusto kong lapitan si JK at makipagkilala pero hindi ko magawang hindi pansinin ang sumisigaw na karisma ni V sa oras na ito. Nakakalito kung sino sa dalawa ang dapat ko munang unahin! Hindi pa ako nakakamove-on kay V eh! Tapos ngayon ay nandito pa siya! Paano ako kakalma sa sitwasyon ko sa oras na ito kung dalawang naggugwapuhang Delafuente ang nasa harapan ko na!
May naririnig na akong yapak ng mga gwardya na papunta na dito kaya inabot ko na agad si JK. Nahawakan ko ang damit niya kaso ay umaatras siya na parang umiilag siya sa akin. Pati si V ay hawak narin siya sa braso at mukhang hinihila na mailayo sa kamay kong inaabot siya. Nasa likod na ang gwardya at hinawakan na ako sa balikat ko para awatin ako.
"Guard kilala ko siya! Guard! Teka lang! JK! JK Delafuente! Guard! Bitiwan mo ako! Magiging asawa ko 'yon!" Mangiyak ngiyak kong sigaw. Ang kamay ko ay umabot na sa leeg ni JK dahil sa kakaabot ko sa kanya habang itong gwardya naman ay hinihila rin ako palayo sa kanya. Naalis ang kamay ko sa leeg niya kaya ang ginawa ko ay inabot ko pa siya lalo. Nahawakan ko ang necktie ni JK at sakto rin namang tuluyan akong nahila ng gwardya paalis nang tuluyan sa harapan niya. At dahil mahigpit ang pagkakahawak ko sa necktie niya ay nakalas ko ito sa suot niyang polo.
"Manong guard! Asawa ko siya! Pakawalan niyo po ako! Si V po! Si JK! Asawa ko sila!" Nagpupumiglas ako sa bisig ng gwardya kahit na malabong pakawalan niya ako. Ang lakas niya rin naman kasi kumpra sa akin ngayon na nanghihina na dahil sa nakakahigop ng lakas na imahe ng dalawa! Nililingon ko pa ang dalawa na kunot ang mga noong nakatingin sa akin at seryoso ang ekspresyon ng mga mukha habang kinakaladkad ng gwardya paalis doon. Ang gugwapo talaga!
"Alam mo hija marami kayong asawa niyan. Hindi lang ikaw ang umaangkin sa mga lalaking iyon. May mas magaganda pa ngang nagsasabing asawa rin sila eh. Kaya ikaw hija makontento ka nalang na nakita mo sila. Maswerte ka parin kahit papaano."
Doon lang ako nito binitiwan nang nasa labas na talaga kami. Alam ko naman ang pinupunto ni Manong gwardya pero hindi ko tanggap yung makontento. Pangarap ko sila. Simula bata pa ako ay sinubaybayan ko na ang buhay nila. Paano ako makokontento kung naging parte na sila ng buhay ko? Araw araw na gumigising ako ay sila agad ang bumubungad sa akin doon sa loob ng kwarto ko. Paano ako makokontento nito kung palala nang palala itong pagkahibang ko sa kanila?
Pinunasan ko ang luha ko at tiningnan ang hawak kong necktie ni JK na mas lalong nagtulak sa mga luha kong rumagasa ulit. Di ko alam kung ba't talaga ako masyadong emosyonal sa oras na ito. Masaya ako dahil nakita ko si JK at V pero nadidismaya ako dahil hindi man lang ako nagkaroon ng tsansang magpakilala sa kanila. Ni hindi ko sila nakausap. Ganoon ba talaga iyon? Na pag hindi ka kagandahan ay ang liit ng tsansang mapapansin ka nila? Pero nginitian ako ni JK! Ibig sabihin ay natutuwa siya sa akin! Oo nga Chanelle!
Bumalik rin ako sa kotse nila Shy na nakaparada parin sa labas. Nadatnan ko pa sila sa loob na kumakain na ng pizza. Matamlay akong pumasok doon. Masaya naman ako pero nakakapanghinayang parin. Sana pala ay ibinigay ko sa kanila yung number ko nang mabilisan.
"Chan! Ba't ganyan ang mukha mo? Anong balita?! Nagkausap ba kayo ni JK?! Kayo na ba!" Excited na salubong sa akin ni Shy. Si Jhaz naman ay nahulog agad ang tingin sa necktie ni JK na itinali ko sa leeg ko. Ginawa kong choker.
"Magbibigti kana ba dahil natupad na ang pangarap mo kaya handa kanang mamatay?" tanong ni Jhaz sa akin.
"Hindi no. Hindi kami nagkausap ni JK eh. Pero sa kanya itong necktie. May pangalan niya pa nga eh." sabi ko.
"Talaga?! Ang swerte mo! May ID kana ni RM! May sapatos ka ni V! Ngayon naman ay may necktie ka ni JK! Chan! Ang swerte mo!" Niyugyog na ako ni Shaira. Kahit ako ay napangiti narin ng malapad. Oo nga no?! Parang may collection ako ng mga gamit nila!
"May video ako ni JK! Nginitian niya ako! Feeling ko talaga nagandahan siya sa akin! Pakiramdam ko naakit ko siya! Nginitian niya ako Shy! Napaiyak nga ako eh! Ang gwapo niya sa personal! Ang laki ng ilong niya! Ang gwapo gwapo niya! Pati si V ay nakita ko doon sa parking lot! Nakarating na pala siya dito! Ang gwapo nilang dalawa!" Nagtitili na ako dito sa loob ng kotse. Magkahawak kamay pa kaming dalawa ni Shaira at nagtitilian na. Kapwa namin niyuyugyog ang isa't isa na kahit itong kotse nila ay umaalog narin. Ang bilis ko pang magsalita habang pinapaliwanag iyon sa kanya. Para na ngang mapupugto itong hininga ko. Sigurado akong mapapaos ako nito bukas. Pero sulit naman!
"Feeling ka lang talaga kaya akala mo nagandahan sayo. Ngumiti siya sayo dahil sa mukha mong nakakatawa." singit ni Jhaz na nagpatigil sa amin ni Shaira sa kakalikot.
"Wag kang makinig diyan Chan! Pero may good news kami sayo! Di mo na kailangang problemahin yang mukha mo! May solusyon na kami diyan." Mabilis na binuksan ni Shaira ang likod ng upuan na nasa harap namin at tumambad doon ang mga make up na ibinigay sa akin ng lalake.
"Ta-da!" Napangiti ng malapad si Shy sa akin. Napakurap lang ako at hindi alam kung ano ang irereact.
"Chan! Mga paganda iyan! Magagamit mo yan! Ang mamahal pa naman yan. Gamitin mo total ibinigay yan sayo ni kuya. Pinulot namin iyan ni Jhaz kanina eh. Sayang naman kasi kung pakalat kalat lang sa daan." Kinuha niya iyong face powder at binuksan. Mukhang bago pa ang make-up kasi wala gaanong bawas.
"Eh may mga pimple ako sa mukha eh. Useless parin yan. Kaya nga hindi nalang ako nagmimake-up. Baka kasi dumami lang." sabi ko. Mas lalong napangisi ng malapad sa akin si Shaira.
"May solusyon narin kami diyan ni Jhaz!" May hinugot siya doon sa likod niya at iminuwestra sa akin. Bumalandra sa harapan ko ang isang kumikinang na wallet. Kulay pink ito na may gintong lock. Ang elegante naman ng pitakang iyan. Siguro ay ang mahal mahal niyan.
"Bumili ka ng bagong pitaka Shy?" tanong ko
"Hindi no. Kasama ito sa mga gamit na nalaglag nung lalake. Napunta kasi doon sa sulok kaya hindi niya siguro nakita dahil sa pagmamadali niya. Si Jhaz nakakita nito eh. Ayaw ko nga sanang pulutin niya pero sabi niya ay sayang naman daw kaya hinayaan ko nalang." Ngumiti siya sa akin at ibinigay iyon.
"Hindi ko kailangan ng ganito kagandang pitaka Shy. Wala rin naman akong maipapasok diyan eh. Sayo nalang. Bagay yan sayo. Diba ay mahilig ka sa pink?" Ibinalik ko ito sa kamay niya.
"Ano ka ba. May laman yang pera Chan! Ang raming laman! May mga US dollars pa nga eh! Yung may-ari ata niyan ay taga ibang bansa. Tingnan mo." Binuksan niya yung pitaka. Pipigilan ko na sana kaso hindi naman nagpaawat.
"Oh diba. Ang ganda ng babae. Tapos ang gwapo ng boyfriend niya oh! Para silang mga foreigners!" sabi ni Shy na itinuro ang babae at lalake sa litrato. Nakasakay sa likod ng gwapong lalake ang babae at nilalagyan ng sungay ang ulo ng lalake habang kapwa sila nakadila. Parang nasa beach ata sila. Dahil narin sa background.
"Teka? Pamilyar sa akin itong babae." Napatitig ako sa magandang babae.
"Pamilyar talaga yan kasi mukhang mga model iyan. Baka ay nakita mo na sila sa isang magazine." sabi ni Shy na nagpawala rin naman ng kyuryusidad ko sa baba.
"Siguro. Ang swerte niya naman. Ang ganda niya na nga, may gwapo pa siyang boyfriend. Tapos mayaman pa." sabi ko
"Gaganda ka narin naman Chan eh. Ipaderma natin yang mukha mo. Tapos ay bumili tayo ng mga bagong damit. Ipakulay rin natin yang buhok ko. Ipasalon natin. Medyo maputi ka naman pero bumili narin tayo ng lotions. Basta dapat gumanda ka. Yan ang goal natin." Nagawa pang isabit ang buhok ko sa gilid ng tenga ko. Si Jhaz tahimik lang doon sa sulok at nasa labas ng bintana ang tingin habang kumakain ng pizza.
"Pero Shy. Wala akong pera eh. Alam mo naman na wala kaming budget pagdating sa ganyan. Ni pangload nga wala ako." Napasimangot ako.
Hindi naman sa nag-aambisyon ako ng mga materyal na bagay. Pero kontento narin kasi ako kung ano ako dahil alam kong hanggang dito lang ako. Ang hindi ko lang talaga magawang ikakontento ay sukuan ang pangarap ko sa pito. Alam ko kasi na pag pursigido ka ay may maganda rin iyong kinalabasan. May magandang bunga ang bawat paghihirap.
"Kaya nga sayo na ito. Lagpas 10thousand ata yung laman ng pitakang iyan eh. Idagdag pa yung dollars na pwede nating ipamalit. Ilang libo rin yan! Pwede kanang bumili ng touchscreen na cellphone niyan para updated kana sa magpipinsan! Chan! Hulog iyan ng Diyos para sayo kasi mabait ka!" Hinawakan ni Shy ang balikat ko at niyugyog ako.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano. Kasi naman, hindi yan sa akin. Paano kung hanapin iyan ng may-ari? Ang laking halaga niyan. Baka ay pangtuition niya yan sa dadating na pasukan tapos lulustayin lang namin. Parang nakakakonsensya. Mas gusto ko atang manatili nalang na ganito kaysa gamitin ang perang hindi naman pinaghirapan ng kamay ko.
"Di ko ata kayang lustayin ang pera na yan Shy. Hindi naman yan sa akin." Napasimangot ako na ikinasimangot narin ni Shaira.
"Pero Chan. Hindi naman natin yan ninakaw. Napulot natin. Napulot."
"Yun na nga. Kaya obligasyon nating ibalik iyan sa tunay na may-ari. Baka may ID siya diyan."
"Wala eh. Yung picture lang ang meron sa loob Shy. Tapos mga pera na."
"Kahit na. Siguro ay isurrender nalang natin yan sa pulis." Naging dismayado ang mukha ni Shaira.
"Nang dahil sa sobra mong bait ay mananatili kang ganyan habang buhay. Sige. Magtiis ka sa mukha mo. Akin na nga yang pitaka. Itikom niyo na ang mga bibig niyo. Umayos na kayo ng upo. Manong, ihatid na natin si Chanelle sa bahay nila." Kinuha nga ni Jhazmine yung pitaka. Yung driver nila ay nagsimula ring magmaneho. Nanghihinayang ako pero hindi ko naman magawang akuin kasi ang laking halaga ng laman ng pitaka eh. Kumusta na kaya ang may-ari niyan? Baka nababaliw na iyon sa kakahanap sa pitaka niya. Kawawa naman.
"Jhaz! Para yan kay Chanelle eh! Wala siyang pera. Ibigay mo sa kanya yun!" Napanguso si Shaira dito sa tabi ko.
"Magbabago rin ang isip ng babaeng iyan pag nasaktan na. Hihintayin siguro niyang nagkagirlfriend ng maganda yang isa sa mga asawa niya saka niya pa maiisipang magpaganda. Kaya nga tinatakbuhan dahil sa hitsura mo. Ewan ko sayo Chanelle." Umirap si Jhaz sa akin. Ang panget panget ko ba talaga? Eh hindi naman nila ako tinatakbuhan ah. Busy lang sila. Tapos kanina dumating lang talaga yung gwardya kaya wala na kaming tsansa na magkausap pa.
Napaisip ako sa sinabi ni Jhazmine. Paano kung nabalitaan kong may girlfriend na ang isa sa kanila? Malabo yan Chan! Mas priority nila ngayon ang pag-aaral nila. Doon nakasentro ang utak nila. Wala pa sa kanila ang pagpasok sa isang relasyon.
"Imposible yan Jhaz. Concentrate sila sa pag-aaral eh." sabi ko.
"Anong concentrate? Si RM nga nagawang magkagirlfriend. Yung si Hana. Nakita mo ba ang picture nun? Ang ganda ganda. Pag nakita mo iyon sa personal mapapanganga ka talaga." Nagtaas siya ng kilay sa akin. Schoolmate kasi nila si Hana doon sa pinapasukan nilang all girls school. Nakilala ko lang rin iyon dahil nga nalink kay RM pero di ko pa nakikita sa personal. Ahead iyon ng isang taon sa amin eh.
"Rumor lang naman yun ah! Hindi naman iyon totoo. Purket namamataan lang silang magkasama ay sila na. Malamang, magkasosyo ang pamilya nila kaya nagkakasalamuha rin silang dalawa. Close lang talaga ang pamilya nila." depensa ko. Yan yung nakalap namin na issue noon. First year lang ata ako noon nang may makalap na pictures si Shy na magkasama ang dalawa. Hindi ko naman iyon nilalagyan ng meaning. Kasi nga ay matalino si RM at mas priority niya ang pag-aaral niya. Kaya imposible na maggirlfriend siya.
"Totoo iyon. Di mo lang talaga tanggap dahil nabibitter ka. Ayaw mong aminin sa sarili mo na girlfriend niya ang magandang babae na iyon."
Di naman kasi ako kumbinsido eh. Picture lang iyon. Baka nakatabi niya lang talaga tapos kinunan ng litrato ang dalawa at ipinagkalat nang nagdidate. Siguro kung naghalikan sila doon ay maniniwala ako. Pero hindi eh!
"Kung naging girlfriend niya man ang babaeng iyon, baka ay ex nalang siya ni RM. Wala namang lumabas na impormasyon na sila talaga ah? Ni hindi na sila namamataang magkasama. 'Tsaka matagal na yun." Napanguso ako. Ayaw pa naman nitong magpatalo ni Jhaz. Ayaw ko kasing lagyan ng malisya ang issue na iyon. Maninikip lang ang dibdib ko. Iniyakan ko pa naman yun. Kasi pakiramdam ko totoo. Kahit pictures lang iyon at walang kumpirmasyon ay naiinggit parin ako dahil iniissue sila. Gusto ko ako naman yung maissue na nagdidate kami. Ang sarap kaya nun sa pakiramdam. Lalo na't isang Delafuente pa ang nalilink sayo.
"Matagal o hindi, naging girlfriend niya. Hindi naman habang buhay ay mananatili silang single Chanelle. Pero ikaw, gusto mo atang manatili na ganyan habang buhay. Papagandahin kana namin tapos ayaw mo pa. Takot kang waldasin ito. Mas matakot ka kung naisipan naming ipasurgery yang dibdib mo." Napatingin siya sa dibdib ko kaya napayuko narin ako at napanguso. Ba't ba ito palagi ang nakikita niya?
"Jhaz tama na nga yan! Wag mo na ngang binubully si Chanelle! Wag kang makinig sa kanya Chan. Basta, pag nagbago ang isip mo sabihin mo lang sa amin ni Jhazmine at lulustayin natin yang pera para sa pampaganda mo. Isipin mo nalang na blessing yan ng Panginoon para sayo dahil ang bait mo." Ngumiti si Shy sa akin kaya tumango narin ako habang nakangiti. Kahit balewalain ko man iyong sinabi ni Jhazmine nanunuot parin iyon sa loob ko. Na may punto siya. Na tama ang pinagsasabi niya. Alam ko naman na magkakagirlfriend rin sila eh. Basta ang mahalaga sa akin ay isa ako sa magiging asawa nila. Kahit yun lang talaga!