Bukid Pinasadahan ko ng tingin ang bawat madadaanan ng sinakyan naming bus ni lola. Kahit inaantok ako dala narin ng mahabang byahe para makarating sa bukid namin ay sinikap kong labanan iyon para lamang mapagmasdan ang nakakamanghang berdeng kakahuyan. Wala nang natatanaw na building ang mga mata ko. Puro na mga puno, bundok... kagubatan. Nagpapahiwatig lamang ito na wala na ako sa syudad. "Sigurado kang ayaw mong umidlip Chanelle?" tanong ni lola sakin na inilingan ko lamang. "Namiss ko po ang tanawin dito, la. Ayoko pong palampasin." Ngumiti ako. Tumango lamang siya at hinayaan akong magmasid sa labas. Sumasabog ang buhok ko sa bawat hanging nakakasalubong ko. Ang presko nito at nakakagaan sa pakiramdam. Bumalik sa alaala ko ang kabataan ko sa bukid. Kung paano kami maghabulan ng

