Gulo Bigla akong napatayo nang may humila sa akin nang marahas. Nahihilo pa ako kaya hindi ako makatayo ng tuwid. Halos mapaupo na ako sa sahig nang bigla ako nitong hinawakan sa beywang para alalayan ako. Pamilyar sa akin ang pabango niya. Pero malabong kay Harel ito. "You're taking advantage just because she's drunk. Alam ba ito ni Harel?" Malamig nitong sabi. Nakapikit ang mga mata ko. Nang maalala ko ang halik ni Casper sa akin ay napahagulhol nalang ako sa dibdib niya. Wala na akong pakialam kung sino ito. Pero alam kong nasa mabuti akong kamay. "Naiinggit ka lang siguro." Si Casper iyon. Hindi ko na nasundan ang pag-uusap nila dala narin ng pagkahilo ko. Ilang sandali lang ay may boses na nangibabaw na nagpabalik sa akin sa reyalidad. Bigla akong nahimasmasan sa isang iglap. K

