Montiel Nasa mga paa ko ang buo kong atensyon habang hinihintay si Harel na matapos sa klase niya. Nakaupo ako dito sa bench habang ginagalaw galaw ang mga paa ko at yakap yakap ang tatlong libro na binabasa ko kanina. May quiz kasi kami bukas kaya kailangan kong magbasa para hindi ako makakuha ng mababang marka. "Chanelle..." Napakurap ako dahil sa medyo pamilyar na boses na tumawag sa akin. Mabilis akong nag-angat at nagulat dahil sa imahe ng lalakeng bumungad sa akin. Siya iyong sinasabing schoolmate ko daw noong Elementary. "Can I talk to you?" may pagsusumamo sa boses nito. Luminga linga ako sa paligid habang nagsasalita siya. Napalingon narin siya sa paligid niya dahil sa ginawa ko. Baka kasi ay makita na naman kami ni Harel at magalit na naman iyon. Tumayo ako at umiling. "Sor

