Bianca's POV
Nang ako ay nakaligo na at bihis ay napagdesisyunan kong lumabas na ng guest room, nagugutom na rin kasi ako. Dalawang araw din akong nagfasting para sa photoshoot na ginawa ko kanina, thou mabilis naman ang metabolism ko ay minaigi ko pa ring mag-fasting. Walang pumilit sa 'kin na gawin ang bagay na 'yon okay? It's my own choice and this is my choosen profession.
"Good timing," Wika ni Noir, ang bumungad sa akin ng binuksan ko ang pinto. Kasalukoyang nakataas ang kanan nitong kamay—akmang kakatok, habang may malawak na ngiti sa labi.
"Noir!" Puno ng sayang pagtawag ko sa pangalan nito. "Why are you here? Bababa na rin ako," Saad ko pa at isinarado ang pinto ng guest room.
"Pinapasundo ka sa 'kin ni Mama, baka raw kasi hindi mo matunton papuntang kusina lalo na't bagong renovate na naman itong mansyon nila." Wika nito, sinimulan ng maglakad.
"Naka-ilang renovate na ba 'tong ancestral mansion niyo?" Tanong ko na sinabayan ng mahinang pagtawa, mabagal ang bawat hakbang at nasa tabi nito. "Kaya naman pala medyo nag-iba ang interior designs ng mansyon..." Punto ko pa, nang may mapansing mga bagong painting na nakasabit sa dingding ng hallway.
"Hindi ko na rin mabilang," Iling ni Noir, inalalayan ako pababa ng hagdan na siyang lihim ko namang kinakilig.
Puno ng pag-iingat itong nakahawak sa aking kanang kamay, inaalalayan ako sa bawat kong paghakbang. Gentleman isn't he? Kaya nga hindi ako umangal noong sinabi ng parent's ko na dapat kong pakasalan si Noir, hindi lang para sa aming negosyo kundi para rin sa aming pamilya.
Ako na yata ang pinaka masuwerteng babae sa balat ng lupa, sa kadahilanang nasa fiancé ko ng lahat ang green flag na maaari niyong makita. Mabait, maasikaso, matyaga, soft spoken—ah basta, lahat na! Ni hindi pa ako nito napagtaasan ng boses kahit na madalas akong pasaway, immature at sakit sa ulo—oo, aminado ako.
Paano nga ba kami na-engaged ni Noir? At ilang taon na ba kaming engaged? Well, to answer that—na engaged kami noong twenty-five ako—during the lowest point of my life, at sa ngayon ay twenty seven na ako, at ang meaning lang no'n ay two years na kaming engaged.
So far, so good.
Wala kaming naging problema sa isa't isa, gawa ng matagal na rin kaming magkakilala. We're not childhood sweethearts thou, childhood friends lang kagaya ng mga parent's namin kahit na mas matanda siya sa akin ng tatlong taon ay hindi iyon naging hadlang kahit na mas madalas kaming napagkakamalang magkapatid.
"Oh? Bakit nakausli yata iyang labi mo at hindi maipinta ang mukha mo?" Kunot noong tanong nito.
"H-Huh?" Maang kong tanong, hindi ko rin namalayan na gano'n na pala ang ekspresyon ko. "W-wala. Wala." Iling ko, tumawa pang bahagya. "May naalala lang ako," Pagrarason ko pa, marahan naman itong napatango.
"Nandito na tayo," Saad nito at pagtukoy nito sa dining hall, na kung saan naghihintay na sila Tita Selina at Tito Caspian—ang parent's nito.
"Tita! Tito!" Tawag ko, malawak ang ngiti sa labi at hinayaan si Noir na igaya ako sa hapag. Nang kami ay tuloyan ng nakalapit sa long table ay nilapitan ko si Tita Selina na may maaliwalas na ekspresyon sa mukha, hinagkan ko ang pisngi nito habang kay Tito Caspian naman ay nagmano tanda ng paggalang. "I missed you two," Maligalig kong wika, natawa naman ang mga ito.
"Welcome again to our humble adobe my dear," May malawak na ngiting wika ni Tita Selina, hinawakan pa ang dalawa kong mga kamay na ngayon ay nakapatong na sa ibabaw ng mahaba at babasaging mesa. Kasalukoyan akong nakaupo sa upoang katapat nito, habang nasa tabi ko naman ang tahimik at nakangiti lamang na si Noir. "By the way, congratulations sa new project mo ija. Kamusta ka naman? You're work? Sila mare at pare?" Sunod-sunod nitong tanong.
"Thank you po Tita," Puno ng galak kong turan. "Okay naman po ako and so as my work. Sila Mama at Papa naman po ay medyo abala sa business, actually they're in Italy right now."
"Leaving you behind?" Kunot noong wika naman ni Tito Caspian.
"Yes Tito," Tugon ko. "Kabilaan din po kasi ang photoshoots ko ngayon kaya hindi ako nakasama."
"I see..." Marahan itong tumango, seryoso pa rin ang ekspresyon sa mga mata at mukha. "Ilang days na sila roon?"
"Two days po, uuwi na rin naman sila bukas." Dagdag ko pa.
"Saan ka tumutuloy?"
"Sa condo—"
"Dito ka na magpalipas ng gabi," Deklara ni Tito Caspian, at wala na akong ibang ginawa kundi ang tumango at sumang-ayon na lamang. Narinig ko pa ngang bahagya itong umaray, nakurot na naman yata ni Tita Selina na siyang naglagay ng ngiti sa aking labi dahil ang cute at wholesome lang nilang pagmasdan.
"Ikaw talaga kahit kailan..." Ang narinig kong kastigo ni Tita Selina kay Tito Caspian, may diin.
"Anong gusto mo?" Bulong ni Noir sa aking tainga na kinaigtad ko.
Marahas akong nagpakawala ng hininga at hinarap ito, ngunit ako ay bahagyang natigilan at natigagal ng makitang halos ilang pulgada na lamang ang layo ng labi namin sa isa't isa. Bukod pa roon ay taimtim na nakatitig sa akin ang kulay abo nitong mga mata na para bang pinag-aaralan nito ang aking kabuoan, and all I could see in his eyeglasses's lense is my own reflection na mayroon stupid reaction.
"Bianca?" Tawag nito sa ngalan ko.
Ilang beses akong napakurap at bahagya ritong lumayo. "K-Kahit ano..." Utal kong wika na halos ikasigaw ko. "Hindi naman ako mapili sa pagkain," Dagdag ko pa ng makabawi.
"Right," Tango nito habang nilalagyan ng pagkain ang blankong pinggan na nasa harapan ko, ngunit ang sayang aking nadarama ay naudlot ng dumating sa hapag ang taong ayaw na ayaw kong makita.
“Sol!” Puno ng galak na singal ni Tita Selina, halata sa boses nito ang galak at napatayo pa. “You’re here!” Dagdag pa nito at nilapitan ang lalaking kailan man ay ‘di ko pinagtuonan ng atensyon—Si Sol, ang nakakatandang kapatid ni Noir.
They’re twins actually.
“‘Ma…” Ang tanging naging tugon ni Sol na kinatayo ng mga balahibo ko sa aking katawan.
Iyon lang ang sinabi nito ngunit labis akong kinalabutan, gawa ng ang boses nito ay mababa, malalim at malamig na ani mo’y bumubulong ito sa aking tainga o kaya naman ay humihili.
“Akala ko hindi ka na makakapunta anak,” Rinig ko pang wika ni Tita Selina, boses ay may bahid ng pagtatampo.
“Maupo na nga kayong dalawa,” Wika naman ni Tito Caspian, at ako’y mahinang napasinghap at napaayos ng pagkakaupo ng sa bakanteng upoan na nasa aking harapan naupo si Sol. Agad akong yumuko bago pa man magtama ang aming mga tingin, kahit kailan ay hindi ako nagtangkang salubogin ang mga mata nito gawa ng nakakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na kaba sa tuwing malapit ito.
“Kamusta ang business bro?” Tanong ni Noir, puno ng antisipasyon at galak.
“Good as always,” Seryosong tugon ni Sol na halos tumagos sa aking mga buto.
Ang lalim at lamig talaga ng boses nito, bukod doon ay puno rin iyon ng awtoridad iyong tipong mapapasunod at susunod ka na lang sa gusto nitong ipagawa at gawin. Gano’n.
“Look what we have here…”
Kahit hindi ko ito tingnan ay alam kong ako ang tinutukoy nito, batay lang sa tinig nitong may bahid ng panunuya na palagi nitong ginagawa. Kaya ayaw niya sa isang ‘to e, wala pa man itong ginagaw sa akin ay kumukulo na ng husto ang dugo ko.
“Remember Bianca, Sol? Siya ang fiancé ng kapatid mo.” Ani Tita Bianca, dahan-dahan naman akong nag-angat ng tingin and I was taken a back ng makita kong diretso at seryosong nakatitig sa akin ang delikado, malamig at mapag-obserbang kulay abong mga mata ni Sol.
“For sure naman na natatandaan ni Sol si Bianca, ‘Ma.” Nakangiting sagot ni Noir, hinawakan ang aking kaliwang kamay na mahigpit ang pagkakahawak sa tinidor at marahan iyong pinisil na sa akin ay nagpakalma. “‘Di ba Sol?” Baling naman nito sa kay Sol na hanggang ngayon ay taimtim pa ring nakatitig sa akin.
“Of course…” Kibit balikat nitong tugon, inabot ang wine glass at marahang sumimsim doon habang ang mga mata’y nakatitig pa rin sa akin na siyang kinaiwas ko naman ng tingin.
The way Sol stares at me is so intense, iyong tipong namimilipit na ang mga bituka ko sa kalamnan sa pamamaraan ng pagtitig nito.
Sol is eyeing me like I am his prey!
“Ayos ka lang ba ija? Namumutla ka,” Kunot noo at puno ng pag-aalalang tanong sa akin ni Tita Selina, marahan naman akong tumango at ginawaran ito ng munting ngiti.
“Ayos lang po ako Tita, gawa lang po siguro ito ng pagod and you know…fasting,” Mahina pa akong natawa na kinatawa rin nito.
“Right!” Palatak ni Tita. “Kaya nga marami akong niluto ngayon for you—”
“Kaya pala buto’t balat ka,”
“Excuse me?” Hindi makapaniwala kong wika, nakataas ang kilay at binitawan ang mga kubyertos na hawak. “Come again?” Ani ko pa, baka sakaling namali lang ako ng pagkakadinig.
“Ang sabi ko, kaya pala buto’t balat ka.” Walang emosyon nitong turan, diretso pang nakatingin sa aking mga mata na para bang hindi masakit ang mga binitawan niyang salita.
“Sol Casper!” Sigaw ni Tita Selina, hindi makapaniwala.
“Apologize to Bianca, Sol. Ngayon na,” Mariing turan naman ni Tito Caspian, napahilot pa noo at kahit si Noir na fiancé ko ay nawalan ng kibo—gulat at nanlalaki ang mga mata.
“Sorr—”
“Banyo lang po ako Tita, Tito. Pasensiya na po,” Pagputol ko sasasabihin ni Sol, tumayo at iniwanan ang hapagkainan.
Kita niyo na ang tinutukoy ko? Wala lang ilang minuto rito si Sol pero sira na agad ang araw ko. My joy? Happiness? It all fades. Napalitan ng galit ang lahat ng sayang nararamdaman ko, I feel violated. Buto’t balat ba talaga ako? My figure is perfect! Sadyang kinailangan ko lang mag fasting para mas maganda ang kalalabasan ng mga litrato ko, kahit kailan talaga panira ang Sol na ‘yon e.
“Gago!” Singhal ko ng makita at madaanan ang litrato ni Sol na nakasabit sa dingding.
Gago naman talaga.
Mabuti na lang at si Noir ang mapapangasawa ko.