Chapter 24
"Sorry if I hurt you, Sweetheart," saad ni Chuck nang makauwi na kami sa mansiyon. Pumasok kaagad ako sa kwarto dahil naiinis ako. Parang wala siyang tiwala sa akin kapag si Fern na ang pinag-uusapan. "I didn't mean it."
Nagmadali akong pumasok sa banyo para maglinis dahil basa na ng gatas ang suot kong damit. Hindi maganda sa pakiramdam, nanlalagkit ako.
"Sweetheart." Panay ang katok ni Chuck sa pinto ng banyo pero hindi ko iyon pinapansin. "Let's talk, please?"
Matapos maligo ay nagsuot ako ng roba saka lumabas na ng kwarto. Didiretso na sana ako sa nursery nang bigla akong yakapin ni Chuck.
"I'm sorry," wika niya.
Nanatili lang ako sa pagkakatayo. Ayokong yakapin siya dahil naiinis pa rin ako.
"Sweetheart, please?" Umupo siya sa gilid ng kama at pilit akong pinaupo sa hita niya. "Talk to me." Kinuha niya ang dalawang kamay ko at dinala iyon sa labi niya saka hinalikan. Pilit kong iniiwas ang aking paningin subalit nahawakan niya ang kanang pisngi ko at tumingin nang diretso sa mga mata ko. "I admit, I'm jealous kaya ko nasabi 'yon."
"Chuck," sambit ko habang nakatitig sa maamo niyang mukha. "It's okay to be jealous, but please, ilugar mo naman. Hindi 'yong basta ka na lang magseselos nang walang basehan." Sinamaan ko siya ng tingin.
"I'm afraid," bulong niya. "I might lose you to someone-"
"I'm afraid, too, Chuck." Hindi pa man nangyayari ay natatakot na ako. Iniisip ko pa lang ay nasasaktan na ako. Masakit isipin na mawawala siya sa akin hindi dahil sa kagagawan niya o ng ibang tao kundi dahil na rin sa kagagawan ko.
"I'm sorry. Mahal kita at hindi ko mapigilang hindi magselos sa tuwing ipagtatanggol mo siya sa harap ko. I can't-"
"Hindi ko siya ipinagtatanggol, Chuck. Ayoko lang ng gulo." Dama ko ang malalim na pagbuntong-hininga niya. Alam kong hindi siya sang-ayon sa sinabi ko.
"Okay then. Kakausapin ko si Clint," saad niya pero alam kong napipilitan lang siya.
Napangiti ako. "Thank you." Sa wakas pumayag din siya na kumbinsihin si Clint na bisitahin si Fern. Alam ko kasi na kapag si Chuck ang nagsabi ay susunod kaagad ang anak ko. Napakalaki ng impuwensiya ni Chuck kay Clint.
"But I can't guarantee na mapapapayag ko siya sa gusto mo."
Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Nanlumo ako lalo na nang tumayo siya at lumabas ng kwarto. Parang galit siya na hindi ko maintindihan. Nagbihis na lang ako at dumiretso sa nursery pero nang makita kong tulog na si baby ay bumaba na lang ako para maghanda ng hapunan.
"Sa wakas bumaba rin ang reyna!" palatak ni Patrick nang madatnan ko sa living room. Naroon din si Kaye, nakaupo sa sopa na sa palagay ko ay may problema na naman. "Kanina pa kami naghihintay nitong si Kaye, Ligaya."
"Sorry. Hindi ko naman kasi alam na darating kayo." Bumeso ako sa kanilang dalawa. "Tamang-tama dito na kayo maghapunan."
Ngumiti si Patrick sabay abot sa akin ng isang makapal na brown envelop. "Thanks. Pero may pupuntahan kami. Idinaan ko lang sa 'yo itong mga papeles na kailangan mong pirmahan. Kailan ka nga pala bibisita sa boutique?"
"I don't know, Patty. Busy ako sa kompanya."
"Busy?" Tumaas ang kilay ni Kaye saka ngumiti. "Baka busy kay Chuck."
"Ano pa nga ba?" sang-ayon ni Patrick. "Kaya nga wala ng time sa atin ang babaitang iteh. Pero in fairness, Ligs, ha, mukhang bumalik ka na sa dati mong buhay." Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng living room. "Malaking bahay, uniformed maids and a luxurious life. Plus, a yummy husband." Pulmalakpak pa ito matapos magsalita.
"He's not my husband," bulong ko. Ayokong marinig ng iba ang pinag-uusapan namin. Tama si Patrick, bumalik na nga ako sa dati kong buhay. Ang buhay na wala akong ibang ginawa kundi maglustay ng pera ng iba. Ang kaibahan nga lang ngayon ay may trabaho ako.
"Not yet, Ligs," sabat naman ni Kaye. "Kaya huwag na huwag mo siyang pakakawalan. Bibihira lang ang ganyang lalaki, di ba, Patty?"
"Tama! Kailan ba ang kasal, Ligaya? Malaki na si Charlen, hindi n'yo pa napag-uusapan ang kasal."
"Shut up, Patrick," saad ko dahil nakita kong papalapit sa amin si Chuck.
"Dito na kayo mag-dinner. Nagpaluto ako ng paborito mo, Patty," saad niya matapos ilapag sa mesa ang dalang meryenda. Umupo siya sa tabi ko kaya pinandilatan ko na lang sina Patrick at Kaye dahil baka kung ano na naman ang lumabas sa bibig nila.
"Thanks, Chuck," sagot ni Kaye. "But we can't. May pupuntahan kami ni Patty."
Nilingon ko si Patrick. "Saan ang punta n'yo?"
"Secret! Di pwedeng sabihin." Tumingin siya sa gawi ni Kaye na para bang binabalaan na huwag sasabihin sa akin.
Mayamaya ay napatingin sila kay Chuck, umiwas naman ang huli kaya napailing na lang ako . May inililihim na naman sila sa akin.
"Dito na lang kayo mag-dinner," wika ko mayamaya. "Sasama ako sa bar."
"Oops! Bawal ka mag-bar, Ligs!" sagot ni Kaye.
"Hindi ka pwede uminom ng alak," segunda naman ni Patrick.
Napailing na lang ako. Sabi na nga ba at sa bar ang punta nila. Bakit kailangan pa nilang ilihim sa akin iyon?
"Bakit? Sino ang may sabing iinom ako ng alak?"
Hindi sila sumagot bagkus ay sabay silang tumingin sa gawi ni Chuck na hindi makatingin sa akin. Hindi man sabihin ng dalawa kong kaibigan ay alam ko na pinagbawalan sila ni Chuck na isama ako.
Napabuntong-hininga na lang ako. Kung hindi lang namin kaharap ang mga kaibigan ko ay makakatikim sa akin ng sampal ang lalaking ito. Nakakainis lang na mas pinapanigan siya ng mga kaibigan ko kaysa sa akin.
"Why did you do it?" tanong ko nang makalis na sina Kaye at Patrick.
"Ang alin, Sweetheart?"
"Huwag ka ngang magmaang-maangan, Chuck! Nagpunta rito ang dalawang iyon para yayain akong mag-bar pero pinigilan mo. Bakit ayaw mo akong pasamahin sa kanila, ha?"
"We can go to the bar if you want." Mababa lang ang boses niya kaya lalo akong nainis. "Let's have dinner first then sasamahan kita sa bar."
"I want to be with them."
"Sure, Sweetheart. Pero kasama ako."
Nagpanting ang tainga ko. Sa tono ng pananalita niya ay tila wala siyang tiwala sa akin at kailangan niya pang sumama. Nakakahiya kung hanggang ngayon ay lagi kong kasama si Chuck sa mga lakad ng barkada.
"No. Magpapahatid na lang ako kay Kuya Ernie."
Sa sobrang inis ko ay umakyat na lang ako at dumiretso sa nursery. Gising na si baby at panay na naman ang ngiti kaya nawala ang bigat na nararamdaman ko. Niyakap ko siya at pinaghahalikan. Pinababa ko na muna 'yong night nanny para maghapunan habang nakikipaglaro ako kay baby.
"Hey. Ang saya ng mag-ina ko, ah."
Napasimangot ako nang makitang papasok si Chuck sa nursery. Umupo siya sa gilid ng kama at hinalikan ang noo ni baby. Humiga siya kaya napapagitnaan na namin si baby.
"I'm sorry, Sweetheart. I know galit ka sa akin." Pinisil niya ang kamay ko.
"Wala kang tiwala sa akin kaya gusto mong sumama."
"You are wrong. May tiwala ako sa 'yo, Sweetheart. Pero sa mga lalaking nakapaligid sa 'yo, wala. Dahil alam ko, anumang oras maaari ka nilang maagaw sa akin. Papatayin ko ang sinumang magtatangkang agawin ka sa akin." Titig na titig siya sa akin nang sabihin iyon.
Hindi ko na siya nagawang sagutin dahil niyakap ako ni baby at hinalikan sa pisngi. Tumayo naman si Chuck at pumwesto sa likuran ko saka mahigpit akong niyakap.
"This is what I've been dreaming of, Sweetheart," bulong niya. "A happy family with you."
"Pa-pa-ap-pa-pa," wika ni baby kaya napangiti ako. Itinutulak kasi niya ang mukha ni Chuck palayo sa pisngi ko.
"Daddy's too clingy, baby, hmm?" Hinawakan ko ang malambot niyang palad.
"Pa-pa-ap-pa-pa."
Humalakhak si Chuck. "I love your mommy, baby."
Patuloy na itinutulak ni baby ang mukha ni Chuck na umabot na sa puntong nasasabunutan ako kaya walang nagawa ang huli kundi umupo sa kama. Napangiti na lang ako nang mahagilap ni babay ang pacifier at ibinato sa gawi ni Chuck.
"Baby," natatawang saad ni Chuck. "I thought we're ally. Never do that again, okay?"
"Pa-pa-ap-pa." Niyakap ako ni baby pero nang akamang yayakapin ulit ako ni Chuck ay bigla na namang itinulak ang ama.
Muli akong napangiti. "You shouldn't hug me, Chuck. Ayaw ni baby na may ibang yumayakap sa akin."
"Daya naman." Napakamot siya sa ulo. Akma na niyang kakargahin si baby nang may kumatok sa pinto. Iniluwa niyon si Clint, may dalang isang di kalakihang shopping bag.
"Pinapaabot ni Kuya Ernie." Inilapag iyon ni Clint sa paanan ng kama.
"What's that, anak?"
"Binili raw ni Rina, mom."
"Ah, yeah," sabat ni Chuck. "Pinabili ko kanina."
Nang lumabas si Clint ay kinuha ni Chuck ang bag. "Sweetheart, magustuhan kaya ito ni Eden?"
Napaawang ang labi ko nang makita ang laman ng bag. Isa iyong signature bag na hindi biro ang halaga. Matagal nang gusto ni Eden ang ganoong bag dahil nakita niya ang bag na binili ni Chuck para sa akin.
"Why?"
"It's her birthday today, Sweetheart. Don't tell me nakalimutan mo?"
"Sh*t!" Bumangon ako sa kama. Nakalimutan ko talaga na ngayon ang birthday ng kaibigan kong iyon. "I forgot."
"That's why I told Patrick na sabay na lang tayo pupunta sa bar. Isu-surprise daw nila si Eden, e. Kanina ko nga lang nalaman kaya tinawagan ko si Rina na bumili ng regalo."
"This is so expensive, Chuck."
"Maliit na bagay lang 'yan, Sweetheart. Isa pa alam kong hindi 'yan bibilhin ni Rina kung hindi bumaba ang presyo."
Nagkibit-balikat na lang ako. Hindi nga biro ang halaga ng bag na iyon pero mas nakakalula ang presyo ng mga bag binili ni Chuck para sa akin.
Nang umakyat na ang night nanny ay buimaba na kami para mag-dinner. Naroon na si Clint sa mesa na abala na naman sa pagkalikot ng cellphone.
"Thanks nga pala, Coach sa skin na binigay mo. Astig n'on." Inilapag niya ang cellphone nang makaupo na kami. Isa kasi sa rules ko na bawal ang cellphone habang kumakain unless kung may importanteng tawag.
"No problem. Basta huwag mong pababayaan ang pag-aaral mo."
"Sure, Coach."
Nang magsimula na kaming kumain ay dama kong para na naman akong poste sa pagitan nilang dalawa. Abala na naman kasi sila sa pag- uusap tungkol sa ML ML na 'yan at wala akong alam doon. May mga salita silang binabanggit na hindi ko maintindihan. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain pero nang marinig ko ang iyak ni baby ay tumayo ako at umakyat.
Bibihira umiyak si baby nang ganoon kalakas kaya nag-aalala ako. Nakabukas ang pinto ng nursery kaya kita kong nakaupo si baby sa kama at pinanggigigilan ang teat ng feeding bottle. Umiiyak siya habang kagat iyon sabay hihilain. Naroon naman ang night nanny at pilit siyang inaalo. Ibinigay niya kay baby ang teether at mayamaya ay tumigil na ito sa pag-iyak.
"Ay," wika ng night nanny nang mapansing nakatayo ako sa bungad ng pinto. "Nariyan po pala kayo, ma'am."
Napangiti ako nang panggigilan ni baby ang teether. "Nangangati na ang gilagid niya." Hinaplos ko ang ulo niya nang makalapit ako sa kama. Naalala ko naman noong nag-iipin si Clint. Napakaiyakin kaya lagi akong madaling araw na kung matulog.
"Opo, ma'am. Sabay-sabay po kasing tumutubo ang ngipin niya. Tatlo sa taas at dalawa naman po sa baba."
"Baby, be good to yaya, ha," wika ko kay baby at nilingon ang night nanny. "Paalis kami ni Chuck. Kapag umiyak siya at hindi tumigil, pakigising na lang si yaya, ha. Nariyan din si Manang Sara, matutulungan ka nila."
"Opo, ma'am."
Nang masiguro kong maayos na si baby ay bumaba na ako ngunit sa bungad pa lang ng pinto papasok sa komedor ay dinig ko na ang pag-uusap nina Chuck at Clint. Mahina lang ang boses nila.
"Pupunta tayo sa mall bukas, Coach."
"Yup! Kailangan na nating magpagupit dahil naiinis na ang mom mo sa buhok natin. Masyado na raw mahaba." Dinig ko pa ang pagtawa niya.
"Gano'n, Coach? E, mas mahaba pa nga ang buhok ni mom kahit pagsamahin pa ang buhok natin, e. Si mom talaga."
"Bawal sa school n'yo ang may mahabang buhok."
"Hindi naman nila napapansin, e."
"Kahit na. Magpapagupit ka bukas."
"Punta tayo sa arcade, Coach, ah."
"Oo ba. But on one condition..."
"Condition? Coach naman." Dinig ko ang pagmamaktol sa boses ni Clint. Papasok na sana ako nang marinig kong muli ang boses ni Chuck.
"Bukas ihahatid kita sa condo ng dad mo, boy."
"Coach, no! Ayoko ro'n.
"I won't take no for an answer, Clint. It's the least you can do for your mom."
"Sabi ko na nga ba." Tanaw ko ang pagkamot ni Clint sa ulo. "Si mom ang may gusto na pumunta ako sa condo ni dad."
Hindi nila napansin ang paglapit ko kaya naman dinig na dinig ko ang sumunod na sinabi ng anak ko.
"Pupunta ako sa condo bukas, Coach kung iuurong ni dad ang kaso laban sa 'yo."
"Clint?" patanong kong saad. "Anong kaso ang pinagsasabi mo?"