Chapter 8
"So what are your plans for tomorrow?" tanong ni Patrick matapos ang dinner. Lumabas kami sa veranda at doon muna tumambay. Si Mamita naman ay pumasok na sa kwarto matapos uminom ng gamot. "Birthday ng inaanak ko bukas."
"Actually wala naman talaga akong plano para bukas."
"Kuripot nito," komento niya. "Sa laki ng kinikita mo, hindi mo man lang ipaghahanda ang inaanak ko?"
"Diyos ko naman, Patty. Isang buwan pa lang ang baby ko."
"Ligaya naman. Dapat ipinaghahanda ang baby buwan-buwan. Nag-iisang anak na babae mo 'yan. At saka sabi nila, mabilis daw lumaki ang baby kapag nagbe-birthday siya buwan-buwan."
Sumandal ako sa upuan at tumanaw sa kalangitan. Nangako ako kay Chuck na mag-uusap kami ngayon pero heto ako at nakikipaghuntahan kay Patrick. Hindi pa ako handa na makinig sa mga paliwanag niya. Natatakot ako sa mga bagay na matutuklasan ko.
"Oy, Ligaya." Iwinagayway ni Patrick ang kamay niya sa ere kaya napatingin ako sa kaniya. "Nakikinig ka ba? Kanina pa ako dada nang dada rito, wala ka man lang imik diyan. May problema na naman ba kayo ni Chuck?"
Muli akong tumanaw sa kalangitan. "Nakipaghiwalay na ako kanina kay Chuck. Kung hindi kaagad kayo dumating malamang nakaalis na kami ni baby." Pinunasan ko ang kumawalang luha sa aking pisngi.
"Sus! Maniwala ako sa 'yo. Ba't ang sweet-sweet n'yo kanina ni Chuck, ha? Kulang na lang magkainan kayo ng mukha sa harap no'ng matanda." Tumawa pa siya kaya umirap ako. "Pustahan tayo, mahal, mo pa rin siya."
Tumango ako.
"E, gano'n naman pala. So ano ang dahilan ng pakikipaghiwalay mo?"
"Patty." Tumingala ako para mapigilan ang mga luhang nagbabadyang bumagsak. "I caught him kanina. May kausap siya sa phone. Dinig na dinig ko na may balak siyang makipagkita sa babaing iyon matapos ang bakasyon naming ito."
"Bakit hindi mo siya hayaang magpaliwanag? I'm sure may dahilan kaya niya nasabi iyon. Intindihin mo naman siya, Ligs."
"Patrick!" bulalas ko. Hindi ako makapaniwala na kinakampihan niya si Chuck. "Akala ko kakampi kita."
"Hindi sa pagkakataong ito, Bes. Mabait naman si Chuck, e. Playboy, oo. Pero alam niya ang mali at tama. Masyadong malalim na tao ang jowa mo, oy. Sa ilang buwang pagsasama ninyo dapat alam mo na ang ugali niya. At isa pa, Ligs, ha, palagay ko kulang kayo sa komunikasyon. Na-try mo na bang mag-open sa kaniya?" tanong niya saka ngumisi. "Baka naman mamaya iba ang in-open mo ay masundan kaagad si Charlen."
"Gaga ka, bakla. Hindi ako gano'n." Binato ko siya ng tissue. Kung ano-ano na naman ang pumapasok sa kukote nito.
"Huwag ako, Ligaya. Ang guwapo kaya ng jowa mo. Ayusin n'yo 'yan at baka magsawa 'yang si Chuck, iwanan ka. Ni minsan ba hindi man lang sumagi sa utak mo na sa dinami-dami ng babae, e, ikaw pa ang napili ni Chuck? Ang swerte mo na sa kaniya, Bes. Mahal na mahal ka pati ang anak mo sa lintik na Fern na iyon. Handang ibuwis ang buhay mailigtas lang si Clint."
"Ano, Patrick?" Naguguluhan ako sa huling sinabi niya.
"Don't tell me hindi mo alam ang nangyari sa anak mo? Wala bang naikuwento sa 'yo si Clint?"
Napailing ako. Wala silang naikuwento sa akin. Puro lang pagbabanta ni Fern ang nalalaman ko dahil palaging pumupunta ang huli sa mansiyon.
"My god, Ligaya. All this time pala wala kang kaalam-alam?" Pansin ko ang pagtataka sa mukha niya.
"Lahat naman kayo pinaglilihiman ako. Hindi ko nga alam kung ano ang nangyari at kinikibo n'yo na si Chuck. Dati galit na galit kayo sa kaniya." Bumuntong-hininga ako. "Ano ba ang nangyari at magkasundong-magkasundo na naman kayo?"
Hindi niya ako sinagot. Napatingin siya sa likuran ko saka ngumiti. "Ang guwapo talaga ng jowa mo, bes," kinikilig niyang saad.
Ang sarap batukan ng baklang 'to. Inaatake na naman ng kalandian. Lumingon ako at nakita ko si Chuck na may dalang tray.
"Sorry pero bawal akong uminom ngayon," saad ni Patrick nang ilapag ni Chuck ang dalawang bote ng beer at isang basong gatas.
"Isa lang naman, Patty."
"No pa rin, Chuck. Bukas na lang ako iinom pagdating ni boyfie."
Ibinalabal sa akin ni Chuck ang dala niyang scarf. "Malamig dito, Sweetheart. Baka sipunin si baby." Hinalikan niya ang ulo ko saka umupo sa tabi ko.
Kilig na kilig si Patrick sa ginawa ni Chuck. Pumalakpak pa ito kaya inirapan ko na naman. Tawa pa rin siya nang tawa nang tumayo na at magpaalam na matutulog na.
"Matutulog na ako. Bye, lovebirds. Matulog na rin kayo, ha. Ay mali, sundan n'yo na muna si Charlen."
Ibinato ko sa kaniya ang tissue kaya tumakbo siya papasok na di pa rin tumitigil sa katatawa.
"Baliw!" sigaw ko.
"In love ka lang, Ligs," sigaw niya pabalik saka isinara ang pinto. Napailing na lang ako.
"Drink this." Inilapit ni Chuck ang isang basong gatas sa akin. Halos gabi-gabi bago matulog ay pinapainom niya ako ng gatas. Nagsasawa na ako pero ayaw ko naman magreklamo dahil para naman kay baby iyon.
"Tulog na si baby, Sweetheart. Maybe we could.. could talk," nauutal niyang saad matapos ang ilang segundo na wala pa rin akong imik.
Hindi ko siya pinansin, kinuha ko ang baso saka uminom ng gatas. Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang pagbuntong-hininga niya. Panay lang ang lagok niya ng alak habang pinagmamasdan ako.
"I...I," nauutal na namang wika niya.
Sa pagkakatong iyon ay hinarap ko siya para tanungin tungkol sa mga sinabi ni Patrick kanina.
"Chuck," panimula ko. "Patrick said something about-" Hindi pa ako tapos magsalita napansin ko na ang pagtagis ng bagang niya.
"Anong sinabi niya?"
Hindi ko na siya nagawang sagutin pa dahil bumaba si yaya dala si baby na umiiyak. Pumasok na ako at kinuha ang bata. Malamang gutom na naman ito. Ngayon ko lang napagtanto na mahirap mag-breastfeed. Palagi akong puyat pero hindi matatawaran ang sayang nararamdaman ko sa tuwing makikita ko si baby. Proud akong ipangalandakan sa mundo na sa akin nanggaling ang gatas na bumubuhay sa anak ko. Sulit ang pagod at puyat ko sa batang ito.
Nang makatulog muli si baby ay inilagay ko siya sa crib at dali-dali akong pumasok sa banyo dahil kanina pa ako ihing-ihi. Halos magunaw ang mundo ko nang makita ko roon si Chuck. Nakatayo siya sa harap ng malaking salamin, walang damit pang-itaas. Gulat ang rumehistro sa mukha niya dahil umawang ang labi niya at mabilis na nagtakip ng twalya. Maging ako ay nagulat din nang masilayan ko ang likod niya pati ang magkabila niyang braso.
"What happened, Chuck?" Hindi ko mapigilan ang pagbagsak ng mga luha ko. Umiiyak ako habang papalapit sa kaniya. Tinanggal ko ang tuwalya na ginawa niyang pantakip at pinaglandas ang aking kamay sa likod at braso niya. "Tell me. What's this?" Pinaharap ko siya sa akin at hinawakan ang braso niya. Napangiwi ako nang makita ang ilang stitches doon. Tila may bagay na bumaon sa balat niya at kailangang tahiin para mabilis na maghilom ang sugat,
"Gagamit ka ng banyo, Sweetheart?" tanong niya na labis kong ikinainis dahil wala man lang akong natanggap na sagot sa mga tanong ko. Kinuha ko ang ointment na hawak niya at ako na ang nagpahid sa likod niya at braso. Matapos iyon ay nagbihis na siya at lumabas ng banyo.
Ilang minuto lang ang itinagal ko sa loob. Kailangan ko siyang makausap. Ito siguro ang sinasabi ni Patrick kanina.
Wala siya sa kwarto nang makalabas ako ng banyo. Bababa na sana ako nang mapansin kong bukas ang pinto patungo sa terrace. Nang sumilip ako, nakita ko siyang nakasandal sa balustre, may hawak na beer sa kanang kamay. Hindi ko makita ang reaksiyon ng mukha niya dahil medyo madilim doon.
"Care to tell me what happened?" Umupo ako sa bench sa bungad ng pinto.
"It's nothing. Just a...petty fight..."
"Petty fight? My god, Chuck. Petty fight pero ganyan ang nangyari sa likod mo?"
Dahan-dahan siyang lumapit sa gawi ko. Inilagay niya ang hawak na bote ng beer sa mesa saka humarap sa akin. Kitang-kita ko na ang mukha niya dahil sa liwanag na nanggagaling sa loob ng kwarto. Nakangiti siya nang yumuko at inilapit ang mukha sa akin. Dama ko ang amoy-alak niyang hininga.
"Don't tell me nag-aalala ka sa akin, Sweetheart?"
Tinaasan ko siya ng kilay. "Of course, Chuck. Sinong hindi mag-aalala diyan sa...sa nangyari sa 'yo."
Nakangiti pa rin siya pero dama ko ang lungkot sa boses niya nang magsalita siyang muli, "If I tell you what happened, would it be enough for you to stay with me? Would I be worthy of your love just because I've done something they say was a stupid move? Kasi, Sweetheart, kung ako ang tatanungin mo, dumating ka man sa buhay ko o hindi, gagawin at gagawin ko pa rin 'yon."
"Chuck...? Ano ba talaga ang nangyari sa likod mo?" Hinawakan ko ang braso niya. Kaya pala palagi siyang nakasuot ng mahabang manggas para hindi ko makita ang mga pilat niya. Nakakadurog ng puso ang tanawing iyon. Grabe sigurong sakit ang dinanas niya sa nangyari.
"Sunog, Mom," dinig ko mula sa aking likuran.
Tumingala si Chuck saka umiling. "How did you get in?"
"Coach naman. Nakabukas ang pinto at naririnig ko ang iyak ni baby."
Saka ko lang napansin na umiiyak na pala ang bata. Umayos ng tayo si Chuck at pumasok na sa kwarto.
"Bumalik ka na sa kwarto mo, boy. Matulog ka na," saad niya sa anak ko.
"No, Coach. Mom needs to know. Nakita niya na rin ang mga pilat mo, e, di sabihin mo na ang nangyari."
"Tapos na 'yon, hayaan mo na."
Hindi ko na narinig ang iyak ni baby na sa hinuha ko ay kinarga na ni Chuck. Naroon pa rin si Clint sa likuran ko.
"Martir ampotek," bulong ng anak ko.
"Hey, young boy," saway ni Chuck sa anak ko. "You're not allowed to curse in front of us. That's unethical."
"I'm sorry," dinig ko ang paghingi ni Clint ng paumanhin na ipinagtaka ko. Maliban sa akin, si Chuck lang ang may kakayahang magpatino sa anak ko. Ni hindi ito humihingi ng paumanhin sa sariling ama. Pero isang salita lang ni Chuck, sumusunod kaagad.
"Clint, come here." Tinapik ko ang bakanteng upuan sa tabi ko. "Tell me what happened."
"I was so scared, Mom. Kung hindi ako naitulak ni coach, siguro patay na ako."
Panay ang buhos ng luha ko habang nakikinig sa kwento ni Clint. Hindi ko ma-imagine ang sakit na pinagdaanan ni Chuck para lang mailigtas ang anak ko. Nang hindi ko na makayanan ay napahagulgol na lang ako.
"What have you done, Clint?" inis na wika ni Chuck saka niyakap ako. "I told you not to tell her."
"She needs to know, Coach tutal nakapanganak na siya kaya wala ka ng aalalahanin pa."
"Kahit na. Sige na, matulog ka na."
"Night, Mom. Matutulog na po ako." Hinaplos lang ni Clint ang ulo ko at umalis na.
"Pakisara ng pinto, boy."
Yakap ako ni Chuck hanggang sa tumigil na ako sa pagluha. Sinapo niya ang magkabila kong pisngi at marahang dinampian ng halik ang aking noo.
"I'm okay. No need to worry, Sweetheart."
"Why didn't you tell me?"
"Nawalan ako ng pagkakataon dahil sunud-sunod ang pangyayari. Sirang-sira na ako sa paningin mo kaya hindi na mahalaga kahit malaman mo pa."
"Bakit?"
"Sweetheart, hindi ako ang tipo ng lalaki na nagmamalinis. That time, sarado ang puso mo sa mga paliwanag ko kaya bakit pa ako mag-aabalang magpaliwanag?"
"Alam ba ito ng mga kaibigan ko?"
Tumango siya. "Kaya bumalik ang dating samahan namin dahil alam nila na gagawin ko ang lahat para protektahan kayo ni Clint."
"Oh, Chuck. I'm sorry wala ako sa tabi mo para alagaan ka."
"Don't be. Lahat kakayanin ko para sa 'yo. Gano'n kita kamahal, Sweetheart."
Hinawakan ko ang braso niya. "Kung nalaman ko agad ang nangyari..."
"Kung...kung nalaman mo ba kaagad ang nangyari, hindi mo ako hihiwalayan?"
"Chuck...?"
"Answer me, Sweetheart. I want an honest answer."
"Mahal kita,Chuck. At alam mong sa lahat ng ayaw ko ay 'yong niloloko ako-"
"Hindi kita niloloko. I never cheated on you, Sweetheart. Not even once. I swear." Itinaas niya pa ang kanang kamay. "I'm sorry kung nasaktan kita. Hindi ko sinasadya." Dahan-dahan niyang hinalikan ang labi ko dahilan para matunaw na naman ang galit sa puso ko na ilang buwan ko ring inalagaan.
It only takes one kiss for me to forgive him. Hindi ko alam kung tama pa ba ang ginagawa ko dahil muli ko na namang pinairal ang sinisigaw ng puso ko.