Chapter 21
"I love you," saad ni Chuck matapos kaming mananghalian. Narito kami ngayon sa veranda, nakaupo ako sa kandungan niya. Nakasuot ako ng off-shoulder blouse kaya walang sagabal sa ginagawa niyang paghalik sa balikat at leeg ko. Kanina niya pa iyon pinanggigigilan pero hinayaan ko na lang.
"I love you, too." Hinawakan ko ang pisngi niya at itinagilid ang aking ulo. Tumawa siya nang mahina sa ginawa kong iyon.
Bumalik na naman kami ni Chuck sa dati. 'Yong kaming dalawa lang, walang ibang iniisip kundi ang relasyon namin at ang mga bata. Kung pwede sana na manatili na lang kami sa lugar na ito. Malayo sa lahat, malayo sa mga taong tanging problema lang ang hatid sa amin.
Payapa ang kalooban ko sa lugar na ito. Kahapon ay dinala ako ni Chuck sa farm na pag-aari ng mga Sayes at ipinakilala ako sa mga trabahador doon. Maayos naman nila akong tinanggap. Inilibot din ako ni Chuck sakay ng kabayo kaya nasilayan ko ang mga tanawing taliwas sa kinalakhan ko.
"You like it here?" tanong ni Chuck matapos ilatag ang blanket sa lilim ng punong mangga. Nilapitan niya ako at niyakap mula sa likuran. Nakatanaw na kami ngayon sa mga trabahador na abala sa pamimitas ng lanzones at rambutan. Tuwang-tuwa ako habang pinapanood sila.
"Uhm. Thank you dahil dinala mo ulit ako rito."
"Salamat din. Akala ko hindi mo magugustuhan dahil hindi ganito ang kinalakhan mong lugar." Inayos niya ang buhok ko at itinali para hindi liparin ng hangin.
Humarap ako at inilagay ang mga kamay ko sa batok niya. "You don't know anything about me." Hinalikan ko siya sa pisngi kaya napangiti siya.
"I know everything about you, Sweetheart. Tita Magda told me."
"Si mom?"
"Yup!" Hinawakan niya ang baywang ko at iginiya ako paupo sa inilatag niyang blanket. Kinuha niya ang basket na dinala ni Tata Celso at sinimulang ilabas ang laman niyon. "Kumakain ka ba nito, Sweetheart? Si Nana Delia ang nagluto."
"Ginataang bilo-bilo?" wika ko nang makita ang laman ng di kalakihang kaserola. May mangkok din sa tabi niyon at isang plato ng biko. "Oo naman. Nakatikim ako niyan isang beses no'ng nagluto si Nana Pacing." Kinuha ko ang mangkok na nilagyan niya ng ginataang bilo-bilo. Umupo naman siya sa tabi ko at patagilid akong pinagmamasdan habang kumakain. Hindi ko maintindihan kung bakit pangiti-ngiti siya.
"Nasabi nga sa akin ni Nana Pacing." Tumawa siya kaya hindi ko maintindihan. Mayamaya ay naalala ko ang nangyari nang unang beses kong kumain ng ginataang bilo-bilo. Hindi kaya sinabi ni Nana Pacing kay Chuck ang ginawa ko? Nakakahiya.
"What did she tell you?"
"Basta." Tumawa na naman siya at hindi na maituloy ang sasabihin dahil nauunahan na ng pagtawa.
Inirapan ko siya. Hindi na ako umimik at nagpatuloy sa pagsubo ng ginataang bilo-bilo. Bahala siya. Wala akong pakialam kung tumawa man siya nang tumawa.
Mayamaya ay humupa na ang pagtawa niya. "Sabi niya, nilagyan mo raw ng crushed ice 'yong niluto niyang bilo-bilo. Seriously, Sweetheart? Crushed ice?" At muli, tumawa na naman siya.
"I thought it was a halo-halo kaya 'ayun nilagyan ko," pangangatwiran ko. "Marami kasing s**o at iba't ibang kulay pa. Saka may ube and I thought that was what they call ubeng halaya. And that time wala akong alam sa pagluluto." Umirap na naman ako para mapagtakpan ang hiyang nararamdaman ko. Nilapag ko na rin ang hawak kong mangkok at uminom ng tubig.
Muling nilagyan ni Chuck ng ginataang bilo-bilo ang mangkok na inilapag ko. Kinuha ko iyon at kumain ulit. Gustong-gusto ko talaga ang lasa niyon.
"Masarap ba, Sweetheart?" Inayos niya ang buhok ko dahil nilipad na naman iyon ng hangin.
"Uhm," saad ko dahil punong-puno ang bibig ko. Uminom muna ako ng tubig. "Tama lang ang tamis. Here." Sinubuan ko siya ng isang piraso ng saging.
"Mas matamis pa rin 'yong kagabi," usal niya habang titig na titig sa mukha ko saka kumindat. "I wanna have a taste of it again." Akma niya akong hahalikan pero umiwas ako at sinubuan siya ulit.
"Behave, Chuck." Pinandilatan ko siya ng mata. "Maraming tao, nakakahiya."
Pumwesto siya sa likuran ko at niyakap ako saka ipinatong ang baba niya sa aking balikat. "I love you, Sweetheart and I don't care kung maraming tao." Hinalikan niya ang leeg ko at wala ako ng nagawa dahil mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Nakakahiya naman kung magpupumiglas ako, baka kung ano ang sabihin ng mga makakakita sa amin.
Nang lumuwag ang yakap niya ay sinubuan ko siya ng isang piraso ng ube. "Anong oras tayo uuwi, Chuck? Nami-miss ko na si baby."
"Seven pm? Is it okay with you?"
"Uhm." Muli ko siyang sinubuan at inilapag ang mangkok. Kinuha ko ang isang basong tubig at inabot sa kaniya.
"Almost four," saad niya nang tumingin sa suot niyang relos.
"We should go."
"'Kay. May kakausapin lang ako." Tumayo siya at nilapitan ang isang lalaki na abala sa paglalagay ng prutas sa isang malaking sisidlan. Niligpit ko naman ang pinagkainan namin ni Chuck at inilagay sa basket.
"Naku, hija," dinig kong wika ng paparating na si Nana Delia. "Ako na lang ang magliligpit niyan. Aba, e, pauwi pala kayo ngayon ng alaga ko."
"Opo, Nana Delia. Salamat po sa niluto n'yong meryenda."
"Nagustuhan mo ba, hija?"
"Opo."
"Naku, salamat naman at nagustuhan mo. Aba itong si Chuck ay tawag nang tawag no'ng nakaraang linggo at nakiusap na kung pwede raw, e, ipagluto kita ng ginataang bilo-bilo dahil paborito mo iyon. Kaya 'ayun, sabi ko sa Tata Celso mo na kuhanin 'yong ube dahil parating kayo ni Chuck."
"No'ng biyernes pa po kami ng gabi dumating. Nabasa nga po si Chuck dahil malakas 'yong ulan. Umapaw na rin po 'yong tubig sa ilog kaya hindi na kami nakauwi."
"Mabuti at hindi nawalan ng ilaw sa villa? Bibili na sana ng gasolina si Celso para sa generator dahil nga parating kayo pero sabi ni Chuck huwag na raw."
"Ayos naman po, may kandila naman po at wala namang lamok."
Napangiti si Nana Delia. "Ay naku, hija, tumawag kasi si Chuck na linisin ang buong bahay. Kaya 'ayun, umupa si Celso ng mga tao para magpausok at mawala ang mga lamok dahil nga magbabakasyon kayo rito ng dalawang araw. Kaya napansin mo napakalinis ng bahay."
"Opo. Salamat po."
"Pero minsan hindi ko rin maintindihan ang alaga kong ito, hija." Muli siyang tumingin kay Chuck. "Pinatanggal niya lahat ng mga damit ninyo sa closet. Sabi niya, ibigay ko raw sa mga nangangailangan at hindi n'yo na gagamitin iyon. Aba, mga bago pa ang mga damit na iyon at hindi pa nagagamit."
"Nalaman po kasi namin na may nangyaring sunog sa bayan at napagkasunduan namin na i-donate na lang 'yong mga damit na hindi na namin nagagamit," paliwanag ko.
"Malayo dito ang bahay ninyo, hija. Paano n'yo nalaman na may nangyaring sunog?"
"Isa po kasi ang kompanya ni dad sa sumusuporta sa mga NGO na nagbibigay tulong sa mga nasunugan."
"Napakabuti ng puso mo, hija. Hindi talaga nagkamali si Chuck na mahalin ka." Mangiyak-ngiyak si Nana Delia nang yakapin ako. Nang kumalas siya sa pagkakayakap sa akin ay hinawakan naman niya ang kamay ko at pinisil. "Ikaw na sana ang bahalang umintindi sa alaga ko, hija. Masyadong bayolente 'yan lalo na kapag naaalala niya ang nangyari noon."
"Noon? Ano pong nangyari noon, Nana Delia?"
Hindi na ako nagawang sagutin ni Nana Delia dahil nilapitan na kami ni Chuck. Ipinulupot na naman niya ng kamay sa baywang ko saka ngumiti. "Let's go?"
Tumango ako.
"Aalis na po kami, Nana Delia," paalam niya. "Pakisabi na lang po kay Tata Celso."
"Sige, hijo. Alagaan mo itong si Ligaya, ha, Chuck."
"Syempre naman, Nana Delia. Mahal na mahal ko si Ligs." Hinalikan niya pa ako sa pisngi kaya lalong lumuwang ang pagkakangiti ni Nana Delia.
"Napakabuti ng puso ng napangasawa mo, Chuck gaya ni Ma'am Magda. Magkamukhang-magkamukha silang mag-ina."
"Si mom? Nagkakilala na po kayo ni mommy?"
"Oo, hija. Ilang beses na rin isinama rito ni Chuck ang mga magulang mo."
Napaawang na lang ang labi ko. Hindi ako makapagsalita. Marami talagang mga bagay na inilihim sa akin ang mga magulang ko.
"Kanina ka pa tulala, Sweetheart," saad ni Chuck nang makarating na kami sa villa. Nakaupo lang ako sa harap ng malaking salamin sa kwarto. "May problema ba?" Tiningnan niya sa salamin ang repleksiyon naming dalawa.
"I'm just," hinawakan ko ang kamay niya at pinagsalikop ang mga palad namin. Nakatitig pa rin kami sa aming repleksiyon sa salamin. "Just wondering kung ano ang magiging reaksiyon ng mga magulang ko kung sakaling buhay sila at makikita nilang ganito tayo."
Sumeryoso ang mukha ni Chuck at ipinatong ang baba niya sa balikat ko habang nakatitig sa repleksiyon ng mukha ko sa salamin. "I'll prove to them that I deserve to be your husband, I deserve to be their son-in-law."
"Ang layo ng sagot mo." Tumayo ako at humarap sa kaniya. Pinakatitigan ko siya sa mata at sa puso ko damang-dama ko na nagsasabi siya ng totoo.
"Why, Sweetheart? Did you doubt it?"
"I don't-" Hindi ko naituloy ang sasabihin dahil siniil niya ng halik ang labi ko. Marahas, pero may pag-iingat at halos kapusin ako ng hininga dahil ayaw na niyang pakawalan iyon.
"Ahh." Naghabol ako ng hininga nang pakawalan niya ang labi ko at halikan ang aking leeg. Matapos niyang hubarin ang suot kong blouse ay pinaharap niya ako sa salamin.
Niyakap niya ako at bumulong, " I want you to believe what I say, Sweetheart. Never doubt my love, my intention towards you." Titig na titig siya sa repleksiyon namin sa salamin. Mga matang puno ng pagnanasa ang nakikita ko, mga matang nagmamakaawa.
"You're the best thing that happened in my life, Chuck." Makadikit ang mga pisngi namin at pareho kaming nakatingin sa salamin. "Natatakot ako na baka isang araw bigla ka na lang mawala sa 'kin." Nalaglag na ang pinipigilan kong luha. "This past few days, hindi mo alam kung gaano kasakit ang nararamdaman ko."
Pinaharap niya ako at pinaupo sa mesa saka niyakap. Pinagdikit niya ang mga noo namin. "That's why I brought you here. To talk things out, to settle our differences. Hindi ako makakapag-focus sa trabaho dahil alam kong masama ang loob mo sa akin. Please, Sweetheart, anuman ang mangyari, please believe me. I swear, I never cheated on you." Parehas na kami lumuluha.
Ito ang hindi ko maintindihan kay Chuck. Sa tuwing umiiyak ako, umiiyak na rin siya.
"Not even once," patuloy pa niya at pinunasan ang luha ko. "I won't trade my lifetime happiness with you for such a temporary pleasure with any woman."
"Chuck," usal ko.
"You are my first love, Sweetheart. The only girl I love."
Pinakatitigan ko ang mukha niya habang patuloy ang pagtulo ng luha ko. Hindi ko alam kung bakit isang salita niya lang ay nalulusaw na agad ang galit at poot sa puso ko. Isang salita niya lang, paniwalang-paniwala na ako. Kahit hindi ko marinig ang paliwanag niya ay ayos lang basta marinig ko lang sa bibig niya na mahal niya ako.
Noong nagsasama pa kami ni Fern ay katakot-takot na murahan muna bago kami tumigil sa pag-aaway na madalas ay nauuwi sa pisikalan. Si Chuck, ni minsan ay hindi nagawang pagbuhatan ako ng kamay. Siya ang madalas na sumusuyo sa akin, siya ang madalas na gumagawa ng paraan para magkabati kami.
"Believe me, Sweetheart, Lana is nothing to me. Gawa-gawa niya lang ang lahat para guluhin tayo."
"Shhh." Nilagay ko ang aking hintuturo sa labi niya para tumigil na siya sa pagsasalita at pinunasan ko ang luha sa mga pisngi namin. Anumang paliwanag niya ay wala na ring silbi dahil nalusaw na ang galit sa puso ko. Inilapit ko na lang ang labi ko at hinalikan siya pero bigla ko ring inilayo ang mukha ko. Napangiti ako nang rumehistro ang panghihinayang sa mukha niya.
"You're teasing me, Sweetheart."
"I'm not."
"You are." Hinalikan niya ang labi ko at namalayan ko na lang na pinangko niya ako at inilapag sa kama.
"Oops! Wait lang," saad ko nang akmang dadagan siya sa akin.
"Sweetheart naman!" reklamo niya.
"Take off your shirt," utos ko na ikinangiti niya.
Mabilis niyang hinubad ang suot na t-shirt at pantalon at dumagan sa akin.
"Am I forgiven, Sweetheart?" bulong niya at unti-unting tinatanggal ang butones ng suot kong pants.
"You said you never cheated on me, so why should I forgive you?"
Napatitig siya sa mukha ko. "Sweetheart?"
"I want you to stay with me, Chuck. Sa amin ng anak natin."
"Mga anak natin, Sweetheart," pagtatama niya. "I'll stay with you forever."
"Thank you." Ngumiti ako at may naisip na kalokohan. "Wanna try other position?" Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.
"D*mn! The best, Sweetheart," puno ng pagnanasang wika niya habang pinagsasawa ang paningin sa hubad kong katawan.
Hindi na ako naghintay pa ng susunod na sasabihin niya, itinulak ko siya patihaya. 'Yon ang pinakagusto niya sa lahat at dahil paalis na kami mamaya, ay ibibigay ko ang anumang gusto niya.
Halos panawan ako ng ulirat habang nakakapit sa headboard. Halimaw talaga siya pagdating sa kama kaya hindi ako nagtataka na maraming babaing naghahabol sa kaniya. Sino ba ang hindi maghahabol kung ganito ang pakiramdam na parang nakagamit ka ng droga sa tuwing kasama ang lalaking ito? Alam na alam talaga niya ang paraan ng pagpapaligaya sa isang babae.
"Chuck," ungol ko. "I'm coming."
Ngumisi siya. "I love you, Sweetheart." Binilisan niya ang galaw kaya napakapit ako sa batok niya.
Parehas kaming pawisan matapos ang mainit na sandaling iyon. Humiga siya sa tabi ko at niyakap ako. Hinang-hina na naman ako.
"Chuck," mahina kong tawag sa kaniya. Inaantok na ako at parang gusto ko ng matulog pero kailangan naming umuwi. "Kaya mo pa ba mag-drive pauwi?" Nag-aalala ako dahil nakikita kong pagod na siya.
"Papunta rito si Kuya Ernie para sunduin tayo," nakangisi niyang sagot. Namumungay na ang mga mata niya kaya alam kong inaantok na rin siya. "We can have another round, Sweetheart."
Hinayaan ko na lang siya sa gusto niya, tutal babalik na siya sa trabaho bukas. Sana lang ay maging maayos ang pagsasama namin sa mga susunod pang araw dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sakaling may dumating na namang problema. Sawang-sawa na ako sa mga problema. Sana lang tigilan na nila ako.