Chapter 44 Nanggigipuspos akong pumasok sa kwarto. Nadatnan kong karga ni Chuck si baby na panay ang iyak at pilit na tinatanggal ang swero. Hindi siya matigil sa pag-iyak kahit isinasayaw na. "What do you want, baby? Are you hungry?" tanong ni Chuck. Nilapitan ko na sila at hinaplos ang ulo ni baby. Nakasubo ang daliri niya, kinakagat niya iyon at kapag nakagat na ay bigla na namang iiyak. "Sweetheart, namumutla ka." Napailing ako. "Wala 'to." Inayos ko ang medyo mahaba ng buhok ni baby at itinali iyon. Maya't maya ay sumandal siya sa balikat ni Chuck at gigil na gigil na kinagat iyon. Napapikit na lang si Chuck, alam kong nasaktan siya pero hindi naman niya magawang sawayin ang sariling anak. Inginudngod ko ang mukha ni baby dahilan para itigil niya ang pagkagat saka nagsimula na

