Chapter 2: A Handsome Crippled Man

1277 Words
Mataas na ang sikat ng araw nang magising si Sean sa mahimbing niyang pagkakatulog. Kagaya nang palagi niyang ginagawa sa umaga, marahan siyang bumangon ng kaniyang kama at kaagad na inilapit sa gawi niya ang kaniyang wheelchair upang magtungo siya sa banyo sa loob ng kaniyang kwarto. Nahihirapan man ay pinilit ni Sean na iupo ang kaniyang sarili sa kaniyang wheelchair na walang tulong ng iba. Nang maiupo niya ang kaniyang sarili kaagad siyang nagtungo sa banyo upang maligo na lalo na’t bibisita sa kompanya niya ang kaniyang ina upang kausapin siya tungkol sa importanteng bagay. Ilang minuto pa ang lumipas nang tuluyan nang natapos si Sean sa panliligo niya nang walang tumutulong sa kaniya. Nahahabag man sa kaniyang sarili, pinili na lamang ni Sean na kalimutan ang mapait na sinapit niya sa kaniyang nakaraan. Saktong paglabas ni Sean sa kaniyang kwarto siya namang pagsulpot ni Manang Josie na gulat na gulat sa kaniya. “Aba nga namang bata ka! Ang aga mo yata ngayon?” nagtatakang tanong ni Manang Josie. “Opo, Manang Josie, may meeting kasi ako ngayong araw. Bukod dito, pupunta rin mamaya si Mommy sa opisina ko,” magalang na paliwanag ni Sean kay Manang Josie. “Nasabi ba ng Mommy mo kung bakit gusto ka niyang makausap?” “Hindi po, Manang Josie. Basta ang sabi niya sa akin may importante siyang sasabihin. Pero, may ideya na ako kung ano ‘yon.” “Mukhang parehas yata tayo ng iniisip,” tugon naman ni Manang Josie habang marahan na itinutulak ang kaniyang wheelchair. Sa halip na sumagot pa sa matanda isang tango na lamang ang naging sagot ni Sean habang malalim ang kaniyang iniisip para sa mangyayari mamaya. Sa halip na kumain pa ng almusal nagpahatid na lamang si Sean sa kaniyang sasakyan lalo na’t ayaw niyang mahuli sa kaniyang meeting. Dahil wala siyang kakayahan na magmaneho ng kaniyang sasakyan ang drayber niyang si Mang Jose na asawa ni Manang Josie ang palaging naghahatid sa kaniya patungo sa kaniyang kompanya. “Good morning, Mang Jose.” “Good morning, Senyorito.” Nakangiting bati naman ni Mang Jose bago tinulungan si Sean sa pagsakay sa kotse. Nang masiguro na ni Mang Jose na maayos na ang pagkakaupo ni Sean sa passenger seat, wala itong sinayang na oras at kaagad na sumakay ng sasakyan upang magtungo na sa kompanyang pagmamay-ari ng binata. Samantalang si Sean naman ay nanatili na lamang na tahimik lalo na’t may ideya na siya kung bakit gusto siyang makausap ng kaniyang ina. Kagaya ng una, may blind date na naman siya mamaya dahil sa kagustuhan ng kaniyang ina na makahanap muli siya ng babae na mamahalin niya. Sa ganoon, magagawa na niyang makalimutan ang dati niyang kasintahan na bigla na lamang siyang iniwan sa ere. May galit man na nararamdaman para sa dati niyang kasintahan mas nangingibabaw pa rin sa kaniya ang pagmamahal dito. “I still love her,” piping saad naman ni Sean sa kaniyang isip. *** Malapit ng mag-alas dose ng tanghali nang mapansin ni Summer ang isang customer na papasok sa restaurant na pinagtatrabahuhan niya. Habang pinagmamasdan niya ito, hindi maipagkakaila ni Summer na may taglay itong kagwapuhan na siyang kahuhumalingan ng mga kababaihan. Bagmat wala itong kakayahang makalakad, hindi ito alintana upang kaawaan ito, lalo na’t napakalakas ng dating nito na para bang galing ito sa hindi basta-basta pamilya. Sa hindi malamang dahilan, hindi maalis ni Summer ang paningin niya dito lalo na’t sasakan ito ng gwapo. Gustuhin man ni Summer na pagmasdan pa ito, pinili na lamang niyang iiwas ang kaniyang paningin at ipagpatuloy ang kaniyang trabaho. Hanggang sa natapos na’t lahat ang pagma-Mop niya ng sahig ay saka lamang dumating ang babaeng sa tingin niya ay ka-blind date ng lalaking nakaupo sa wheel chair nito. Samantalang si Sean naman ay nakararamdam na ng pagkabot bago pa makarating ang ka-blind date nito na mukha pang naiirita sa hindi malamang dahilan ng binata. Kaagad namang nakaramdam ng pagkahiya si Sean sa sarili nito ng pinagmasdan itong mabuti ng babaeng ka-blind date nito. Napipilitan man ay walang nagawa si Sean kundi ang sundin ang kagustuhan ng ina nito na makipag-blind date ito sa anak ng kakilala ng Mommy nito. “You must be, Shane Roncillo, am I right?” “Yes, that’s me! And, you must be, Sean Stewart. To be honest, I don’t want to be here in the first place. If you don’t mind, can we take our order so I can leave as soon as possible.” Isang tango na lamang ang isinagot ni Sean kay Shane bago nagtawag ng waiter at walang pag-aalinlangan na nag-order. Habang naghihintay sila ng kanilang pagkain, may isang waiter na dinala na kaagad ang wine na siyang labis na ikinatuwa ni Sean. Hanggang sa nagulat na lamang si Sean nang biglang tumayo si Shane na gulat na gulat ang hitsura na siyang labis na ipinagtaka ng binata. “Is there a problem, Shane?” “Yes! Bakit hindi mo sinabi na pilay ka pala!? Nakakainis naman e! Paano na lang kung malaman ng mga kaibigan ko na nakipag-date ako sa isang pilay!? I can’t take it anymore! Ang mabuti pa ay umalis na lamang ako kaysa ang makasama ka nang matagal!” malakas na litanya ni Shane na siyang labis na ikinagulat ni Sean. Akmang sasagot pa sana si Sean kay Shane nang magulat na lamang ang binata nang ibinuhos ng dalagang ka-date nito ang wine sa may ulo nito. Sa hindi malamang dahilan, kaagad na nakaramdam ng hiya si Sean dahil sa ginawa ni Shane dito. Ang mas lalo pang ikinagulat ni Sean ay nang bigla na lamang itong sipain ni Shane na siyang dahilan upang mawalan ng balanse ang binata at kaagad na nahulog sa pagkakaupo nito at bumagsak sa sahig na basa na rin ng wine. “You can say it to me in a nice way, Shane! Are you happy humiliating me in front of them?” malamig na tanong naman ni Sean kay Shane. “Yes! Dapat lang sa ‘yo ‘yan. Ang lakas ng loob mong makipag-date sa akin e pilay ka pala naman! Yuck! Kung alam ko lang na pilay ka hindi na sana ko nagpunta pa sa l*tseng blind date na ‘to!” Akmang sisipain na sana ni Shane si Sean nang bigla na lamang nagulat ang dalaga dahil sa isang babae na bigla na lamang sumulpot sa harapan nila. Sa inis ni Summer kaagad niyang sinampal at sinipa si Shane na siyang dahilan ng pagtalsik ng dalaga hindi kalayuan sa gawi nila. Samantalang si Sean naman na nakahalumpasay pa rin sa sahig ay gulat na gulat sa nasaksihan nito. “Ikaw na babae ka, kung ayaw mo sa kaniya pwede mo namang sabihin nang maayos hindi ‘yong ipapahiya mo pa ang tao!” Nanggagalaiting sigaw naman ni Summer kay Shane. “Ano bang pakialam mo!? Waitress ka lang naman dito kaya wala kang karapatan na saktan ako! Pagsisisihan mo ‘tong ginawa mo sa akin!” Pinili namang hindi pansinin ni Summer si Shane bago tinulungan si Sean na maupo sa wheelchair nito. Samantalang si Shane naman ay nanggagaliting umalis ng restaurant habang si Summer naman ay tahimik lamang na nakatingin kay Sean. Sa hindi malamang dahilan, natagpuan na lamang ni Sean ang sarili nito na nakatitig kay Summer sapagkat hindi nito akalain na may maglalakas pa pala ng loob na tulungan ito. Kasabay naman nito ay ang marahang pagpunas ni Summer ng panyo niya sa nabasang buhok ni Sean. Sa hindi malamang dahilan, natagpuan na lamang ni Sean na nakatitig na pala ito kay Summer habang mayroong kakaibang kislap sa mga mata ng binata. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD