AS THE phone rangs beside of the bed, while Laarni was asleep. It was eleven in the evening when it couldn't stop from ringing. It continously rangs when she has unintentional heard a call. Kahit inaantok pa rin ay nagawa niyang idilat ang mga mata upang pindutin ang answer button. It was a call from Mr. Lacsamana and has become a puzzle of thinking on why would it call her in unsure time.
"Hello, Laarni?"
"Mr. Lacsamana? Kumusta? Bakit ka po napatawag?"
"I'm sorry kung na-istorbo ko man ang tulog mo pero may nais lang akong sabihin." Sandali itong natigilan bago muling ipinagpatuloy ang pagsasalita, "I know it would be unfair for Apollo's coffee shop, but can I ask for your permission to offer you a highest position from my coffee shop?"
Sandaling napaawang ang labi niya at napangisi. "Mr. Lacsamana, I would love to work with you but I had a stable job from Apollo and I couldn't let it go so easy, I'm sorry."
"It's okay, but if ever you change your mind, I will be a one call away. Thanks for your time."
"Okay, Mr. Lacsamana, I'm happy for your new business, keep safe always."
"Thank you, Laarni. You too."
Matapos ang usapang iyon ay lalong nadagdagan ang isipin niya. Dahil kung tatanggapin niya ang offer ni Mr. Lacsamana ay mabilis siyang makakaipon para sa kaniyang magiging gamutan. Laarni was struggling from chronic leukemia. It does not quick as acute leukemia but it was still a frustating illness. It may take months or years to get worst. And it wasn't easy for her to woke up everyday with hatred and frustrations. To keep on waiting for a perfect time to let Dave loves her back and to have a child before she decided to take a medical treatment. Laarni admits that she had finalized her future despite of the mess that ruined her life-- and if ever it would keep it a secret for a very long time, she will.
Desperada na kung desperada pero kahit anong gawin niya ay tanging si Dave lang ang alam niyang magiging solusyon sa bigat ng nararamdaman niya, dahil ito lang ang tanging gusto ng kaniyang puso.
Hindi na niya nagawang makabalik sa pagtulog kung kaya't nakaramdam na naman siya ng iba't ibang sintomas ng kaniyang iniindang sakit. Pagkirot ng kalamnan, tiyan at pamamawis. Ngunit ang tanging magagawa niya lang ay tiisin ito sa ngayon habang hindi pa natutupad ang kaniyang hinahangad na mahalin din siya ni Dave.
-
Kinabukasan ay hindi na bago sa kaniya ang makita si Dave sa work place lalo na't ito palagi ang laman ng isip niya mula sa paggising hanggang sa bago matulog. Ilang sandali pa ay hindi niya namalayan ang presensiya nito kung kaya't napasigaw siya. "Ay putakte naman!" Kiniliti lang naman kasi siya nito sa bewang kung kaya't muntikan na niyang mabitawan ang hawak-hawak na cake na kinuha pa niya sa storage room.
Napahagalpak sa pagtawa si Dave pero sandali itong natigilan nang hindi mawala ang panlilisik ng kaniyang mga mata. "Seryoso ka kasi, e. Parang ang laki ng problema mo, hah?" wika nito na nagpakalma sa kaniya.
"W-wala 'to, pero ginulat mo talaga ako, e. Putakte ka!"
"Ako? Baka cute akong putakte?" pang-iinsulto pa nito.
"E kung ihampas ko kaya sa'yo 'tong cake na hawak ko?"
"Sige, subukan mo. Sa'yo naman i-cha-charged 'yan, e!" natatawang sabi pa ni Dave. At tanging buntong hininga lang ang isinagot niya bago pa man ito magawang talikuran. Kahit naiinis kay Dave ay hindi niya maiwasang mapangiti ng palihim dahil aminado siyang sa presensiya at pagpansin pa lang nito sa kaniya ay kumpleto na ang araw niya.
"Mukhang close talaga kayo ni Mr. Chua, hah?" pasimpleng bungad sa kaniya ni Aida habang si Jem naman ay busy sa pag-a-assist ng customer sa counter.
"Magaling lang talagang mang-asar 'yon. Pero kita mo naman kung paano tumaob sa katarayan ko, 'di ba?"
Pahapyaw na natawa si Aida. "Pero aminin, pogi talaga si Mr. Chua, 'di ba?" At itinaas niya na lamang ang kaniyang kilay sa pagsagot habang ipinagpapatuloy ang pag-a-arrange sa mga displays.
Nang mag-lunch break ay yosi na naman ang pinuntirya niya pero naman wala siyang kamalay-malay na sasabayan siya ni Dave. "Ilang yosi ba ang nauubos mo sa isang araw? Parang depressed na depressed ka, e."
Sandali siyang napangiti matapos iabot ang yosi kay Dave. "Tama na ang limang hits," tipid niyang sabi habang nakatingin lamang sa mga sasakyang dumadaan.
"Mas babaan mo pa," wika ni Dave na nagpalingon sa kaniya.
"Kailan ka ba nagkaroon sa akin ng pake?" tanong niya rito na nagpaawang sa labi nito.
"Laarni, hindi ka na iba sa'kin, naging parte ka na ng buhay ko kaya hindi naman sigurong masama na pakialaman kita, dahil concern lang ako sa kalusugan mo," seryosong wika nito na sandaling nagpatahimik sa kaniya. Pero parang wala lang sa kaniya ang sinabi nito dahil hindi pa man nakatatagal nang maitapon niya ang upos ng sigarilyo ay muli na naman siyang nagsindi ng isa pa. At sa sandaling iyon ay hindi sinasadyang magtatagpo ang kamay nilang dalawa nang agawin mismo ni Dave ang yosing hawak niya.
"Ano ba? Gusto ko pa, e!"
"Tama na ang isa, at saka yosi lang ba ang kakainin mo?"
Napabuntong hinga siya at piniling maglakad na papunta sa may convenience store. At nagawa siyang sundan ni Dave matapos nitong itapon ang yosi. Hindi nga maintindihan ng binata ang kaniyang ginagawa dahil hindi naman siya ganoon dati sa dalaga.
Naabutan siya nitong nakatitig sa freezer ng mga ice cream. "Bigla akong nainitan sa labas, may gusto ka bang bilihin?" wika ni Laarni matapos makasunod ni Dave sa kaniya.
"Kakaiba rin ang trip mo, e, 'no? Kanina yosi tapos ngayon ay ice cream. Laarni, hindi ka mabubusog ng ice cream para sa tanghalian," panenermon nito sa kaniya. "Saka bakit ka ba kasi naka-jacket, e, ang init-init na nga sa labas, e."
Pero napairap lamang siya habang sinusuyod ang daan papunta sa may counter. Hawak-hawak na niya ang dalawang black forest flavor na ice cream. Matapos magbayad ay pahagis niyang iniabot iyon kay Dave at nasalo naman ito. Nang makaupo sila ay muling tumayo si Dave upang bumili ng pagkain habang siya ay sarap na sarap sa pagkain ng ice cream.
Mauubos na niya ang ice cream nang bumalik si Dave habang dala-dala ang lunch meal para sa kanilang dalawa. "Ito dapat ang kinakain mo," anito matapos ilapag sa harapan niya.
"Libre mo na naman?"
"Oo, ayaw mo naman kasing magkusa para bumili ng nakakabusog na pagkain," seryoso pa ring wika nito. Hindi namalayan ni Laarni na kanina pa siya nakatitig sa binata kung kaya't natunaw na lang ang ice cream na hawak niya. "Napopogian ka na naman sa'kin," preskong sabi nito na nagpangisi sa kaniya. Pero aaminin niyang hindi kumpleto ang araw niya kapag hindi naririnig ang boses nito.
Sinimulan niya na rin kainin ang binili nitong lunch meal para sa kaniya. "Salamat dito, hah?" wika niya na nagpalingon kay Dave sa kaniya.
"Himala, nagpasalamat ka? Mamamatay ka na ba?" pabiro pang sabi nito.
"Oo, kaya mahalin mo na ako," pabiro rin na sagot niya. Pero humagalpak lang sa pagtawa si Dave.
"Ang galing mo rin bumanat ng joke, hah?" natatawa pa rin na sabi nito. Hindi niya tuloy maiwasang ma-guilty sa sarili dahil kahit gustuhin niyang madaliin ang lahat ay wala siyang magawa kundi ang maghintay. At nagi-guilty siya sa sarili dahil kinakailangan pa niyang magkasakit.
Hindi maiwasang sundan sila ng tingin ng ilang empleyado sa coffee shop nang makita silang magkasabay na pumasok. Pinagmulan din iyon ng tukso kung kaya't hindi maiwasang magkailangan sa isa't isa.
At bago pa man dumating ang oras ng uwian ay kapansin-pansin ang pamumutla ng kaniyang katawan kung kaya't nagawa siyang pagpahingahin na muna ni Mr. Dwight. Doo'y kasalukuyan siyang nagpapahinga sa may locker room nang muling maalala ang nangyari kanina.
"Ito dapat ang kinakain mo," anito matapos ilapag sa harapan niya.
"Libre mo na naman?"
"Oo, ayaw mo naman kasing magkusa para bumili ng nakakabusog na pagkain," seryoso pa ring wika nito. "Napopogian ka na naman sa'kin," preskong sabi nito na nagpangisi sa kaniya. Pero aaminin niyang hindi kumpleto ang araw niya kapag hindi naririnig ang boses nito.
Sinimulan niya na rin kainin ang binili nitong lunch meal para sa kaniya. "Salamat dito, hah?" wika niya na nagpalingon kay Dave sa kaniya.
"Himala, nagpasalamat ka? Mamamatay ka na ba?" pabiro pang sabi nito.
"Oo, mamamatay na ako.." Hindi niya namalayang nasambit iyon sa kawalan kung kaya't hindi sinasadyang maririnig iyon ni Aida na saktong nagpunta ng locker room para sana kumustahin siya.
"Totoo ba ang narinig ko? Mamamatay ka na?" klarong tanong nito na nagpa-alarma sa kaniya. At mula sa kinauupuan ay napatayo siya.
"Aida, w-wala lang ang narinig mo."
"Hindi, Laarni, e. Malinaw ang pagkakarinig ko at hindi naman ako bingi para hindi marinig 'yon."
Hinarap niya si Aida at sa puntong iyon ay hindi sinasadyang papatak ang kaniyang luha. At kahit hindi pa loob niyang magtiwala na sabihin dito ang totoo ay malinaw niyang sinabi ang mga katagang, "Oo, Aida, tama ang narinig mo." Pero ilang segundo lang ang lumipas matapos siyang titigan ni Aida ay isang malakas na pagtawa ang ginawa niya, dahilan para mapakunot ang noo nito. "Ha-ha-ha! Joke lang, 'no! Siyempre hindi pa ako mamamatay! Mamamatay siguro ako kapag hindi pa ako jinowa ni Mr. Chua!" pahapyaw pa niyang biro na may halong kahulugan.
At sandaling sumilay ang ngiti ni Aida, "Ah, kaya pala-- in-love pala kay Mr. Chua, e," sabi nito at kapagkuwa'y sandaling napatigil dahil sa isiping bumabagabag sa kaniya. "Pero, Laarni, 'yung totoo? May sakit ka ba?" Sandaling nakaramdam ng kaba si Laarni at walang kahit na anong salita ang lumabas sa bibig niya. "Napansin ko lang kasi, na sa tagal mo na rito sa Apollo's ay kailan lang naman kita nakita na palaging naka-hoody jacket at medyo madalas na ang pamumutla mo."
"Ah! Ito ba? Hindi na siguro sanay ang katawan ko sa aircon, at saka hindi na kasi ako nakakakain ng berdeng gulay," pagdadahilan niya.
"P'wede ba 'yon? Pero p'wede naman tayong mag-request sa electricians na babaan ang temperature ng aircon," suhestyon nito na ikinailing niya.
"Naku, 'wag na, Aida. E, pa'no pala kung iyon na ang nakasanayan na temperature ng mga customers natin? Kaya, 'wag na. Ako na lang ang mag-a-adjust," katwiran at dahilan niya na mukhang epektibo naman.
Napabuntong hininga si Aida bago pa man sumagot, "Sige ikaw bahala, basta kapag may problema ka, nandito lang ako para makinig sa'yo."
"Thanks, Aida," nakangiting wika niya.
"Okay ka na ba?"
"Oo, tara na?" At magkasabay nga silang bumalik sa trabaho.