AFTER THEY knew about the illness of Laarni, Sabrina and Hanna would plan to tell it to Dave little by little. Gayundin ang kanilang pag-contact kay Sonia upang makipagkita sa kanilang dalawa. Nabanggit kasi ni Laarni bago sila umalis kanina na hindi na nakatira sa kanila si Sonia. Bagay na ipinag-alala nila ng sobra dahil sa ngayon ay mas kailangan ni Laarni ng moral support hindi lang mula sa kanina. "Matagal pa raw ba siya?" Hanna asked when they currently waited for almost two hours in a coffee shop. "Siguro, kanina pa naman siya nagsabi na on the way na siya, e," sagot ni Sabrina na mukhang nabubugnot na rin sa inip. "Hay, kung hindi lang talaga para kay Laarni ay hindi ako magtitiyagang hintayin ang pabebe sister niya, e. Lagot talaga sa'kin 'yon mamaya!" inis na sabi ni Hanna. A

