HINDI NAG-AKSAYA ng panahon si Dave para maisakatuparan ang pagkuha ng dugo kay Mr. Lucenario for final blood transfusion. Habang si Laarni naman ay nagsimula nang mag-undergo ng medical treatment. Chemo therapy induction ang ibinigay na lunas kay Laarni na p'wede nang makita ang resulta sa loob ng isang buwan. However, even if her body becomes vulnerable, Dave and her family would not able to see surrendering on this battle. Samantala ay nadatnan niyang tila hapong-hapo si Mr. Lucenario matapos itong makuhanan ng dugo. "Pa, magpahinga ka po muna," pagpapaunlak niya rito. Sabay inabot ang hawak na mineral water. "Water?" At mabilis naman iyong tinanggap ng kaniyang in law. "Thank you." "Hanga po ako sa iyo, pa, dahil nagawa mong magsakripisyong muli para sa'yong anak. Hindi biro ang ma

