THE ENTIRE week was filled with plans and actions. At kasabay din niyon ang patuloy na pagsigla ng katawan ni Laarni. Anong saya naman din ng kaniyang mga kaibigan na sina Hanna at Sabrina nang mabalitaan ang unti-unting paggaling niya. "Brat, busy lang kami palagi sa business pero hindi ka namin nakalilimutang isama sa mga dasal namin," sabi iyon ni Sabrina mula sa video call. At hindi naman naiwasang mapangiti ni Laarni. "Thank you, brat." At saka naman nagsalita si Hanna, "Same feeling, brat, we've been busy kaya hindi na kami nakakapasyal diyan. 'Wag kang mag-alala, kapag nakalabas ka na ay gugulatin ka namin nang pagbisita sa bahay n'yo." "E, teka, saan na nga pala kayo titira niyan? Bubukod ba kayo?" tanong ni Sabrina. "Oo, Sab, doon muna kami pansamantala sa bahay namin dati n

