Chapter 73 VIOLETTA… NAALIMPUNGATAN AKONG parang umaalog ang buo kong paligid. Malamang nasa sasakyan ako nakatulog, pero kakaibang alog yata ang nangyayari. Para akong dinuduyan sa alon o sa hangin habang natutulog. Ayoko pang gumising, maybe I’m having now my jetlag. Gusto ko lang matulog na muna, mamaya kapag okay na ang pakiramdam ko saka ko na pupuntahan si Ria. Matutulog na muna ako, saka nasa biyahe pa naman kami ni Alexander. Gigisingin naman ako ni Alexander kung sakaling nakarating na kami sa bahay ng mga magulang ko. Pero nagulantang na lang ako nang pagbaling ko sa kaliwa ko malambot na unan ang nakapa ko. Kaya kahit na ang bigat ng mga talukap ng mga mata ko pinilit kong imulat ang mga ito. And there I saw that I was in a room already. Pero hindi yata ito ang kwarto na a

