Chapter 79 VIOLETTA… KINAKABAHAN AKO habang sakay kami ng chopper pabalik ng main land. Hindi ko maipaliwanag bakit ako kinakabahan, basta nakakaramdam ako ng kaba ngayon. “Mommy, your hand is sweating.” Sabi ni Ria sa akin. I can perfectly hear her kahit na maingay ang chopper, thanks to our headsets. Nakakahiya na ako ang nanay dito pero mukhang ako pa ang kinakabahan talaga. And I can say na hindi pala ako mukhang kinakabahan kasi totoong kinakabahan ako. Naramdaman ko ang pagyapos sa akin ni Alexander sa kabilang side. Napapagitnaan namin ni Alexander si Ria, kami lang naman ang sakay ng chopper at iyong pilot. Dumating ang sundo namin kaninang umaga na lang, kahapon nang tumawag si Alexander sa mga tauhan niya sinabi nito na ngayong araw nga nila kami sunduin. Dumating sa isla

