Chapter 83 ALEXANDER… “AKALA KO ba hindi ka papasok ngayon Signore?” takang tanong sa akin ni Pietro pagpasok na pagpasok ko sa loob ng opisina ko. Isang matamis at malawak na ngiti lang ang isinagot ko sa kanya at dumeretso na ako sa may table ko. Si Pietro ang siyang in-charge sa ospina ko kaya siya ang nakaupo sa may lamesa ko. Agad siyang tumayo nang nakalapit ako sa kanya at ibinigay niya sa akin ang mga trabaho ko. “Good mood,” ani Pietro sa tabi ko. “Did you canceled all my appointment?” tanong ko sa kanya na hindi pinansin ang sinabi niya. “Yes, Signore. You already told us that yesterday so I called every department and every assistant you have, to cancel all your appointment for today.” Tatango-tango lang ako bilang sagot sa kanya, I scanned all the papers in my table.

