Chapter 77 VIOLETTA… INABOT NA ng gabi ang paghaharutan namin sa tabing dagat, nakatulog na lang si Ria sa kandungan ko. Habang si Alexander naman ang naghahanda ng para sa bonfire namin. “Pagod na pagod si Ria,” sabi ko kay Alexander nang naupo na siya sa tabi ko. Hinaplos nito ang noo ng anak namin habang masuyong tinititigan ang bata sa kandungan ko. “Gusto mo bang pumasok na tayo sa loob?” tanong niya sa akin. Tinignan ko ang bonfire na kakasiga pa lang niya, “si Ria na lang muna ang ipapasok ko.” sagot ko naman. “Ako na lang ang magdadala sa kanya sa loob, anong gusto mong kainin?” tanong niya sa akin habang kinukuha na niya sa kandungan ko ang anak namin. Ikaw. Kamuntikan ko nang masabi iyon, though is it a harmless remarks I guess. Hindi naman siguro malumot ang utak ng la

