Chapter 64 VIOLETTA… HINDI KO alam kung papaano ko haharapin si Ludwig, hindi ko kayang tanggapin ang mga tingin niya sa akin ngayon. Hindi ako nagreklamo ng mahigpit na hinawakan ang kamay ko ni Ludwig nang lumapit siya sa akin. hihilahin na sana ako ni Ludwig papasok sa loob ng bahay ko nang pigilan ni Alexander ang isa ko rin kamay. “Let her go,” madiin na sabi ni Ludwig kay Alexander. “You, do it.” Sagot naman ni Alexander dito. Hindi ko tuloy alam kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa. Kung ano ba ang bibitawan nila sa aklin, ang mga kamay ko ban a pinagtig-isahan nila o ako mismong ang bibitawan nila. “Sa ating dalawa, ikaw ang walang karapatan dito.” Sabi ni Ludwig. Mas lalong dumiin ang pagkakahawak ni Ludwig sa braso ko, napadaing tuloy ako. Mas lalong hindi pumayag si Alex

