Sixty-eight

2159 Words

Chapter 68 VIOLETTA… NAGISING AKO na maingay ang tabi ko, o ang paligid ko. hindi ko pa nga lang maimulat ang mga mata ko, kasi ang bigat ng mga talukap ko. ramdam ko rin ang pamamaga ng mga mata ko, dala ng pag-iyak ko kagabi. “Should I call a doctor?” narinig kong boses ni Xander. Noong una naguluhan ako bakit ko naririnig ang boses ni Alexander. Pero naalala ko rin lahat ng mga nangyari kagabi, iyong bigla niyang pagdating at kinuha niya kami ni Ria sa pangangalaga ni Ludwig. Lahat naalala ko mula sa araw na kinuha kami ni Ludwig ng sapilitan mula sa apartment naming mag-ina at dalhin dito sa Manila. Maging kung papaano ako nasaktan ng pisikal ni Ludwig kagabi naalala ko lahat. Iyong takot ko nang hayaan kong mag-isa ang anak ko sa isang lugar na hindi naman kami parehas na pamilya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD