Chapter 81 VIOLETTA… “WHY DON’T YOU stay for a night with your grandparents?” Narinig kong nag-uusap na naman ng masinsinan ang dalawa, Sila Alexander at Alexandria sa may garden. “A.YO.KO.” Parang ang lalim ng iniisip ng dalawa habang magkatitigan ang mga ito nang makalapit na ako sa kanila. Wala nang umiimik sa kanila na para bang sa tingin pa lang ng mga ito sa isa’t isa alam na ng mga ito ang gusto nilang sabihin sa bawat isa. Ni hindi nga nila ako pinansin nang nakalapit na ako sa kanila at nailapag na ng kasama ko ang tray ng pagkain ng mag-ama. “Grazie, ora puoi lasciarci.” Sabi ko sa kasambahay na kasama ko at may dala ng tray. ‘Thank you, you can leave now.’ Sa pag-upo ko sa tabi ni Ria, hindi pa rin tapos sa staring game ang mag-ama. Talagang nagtititigan ang mga ito n

