Chapter 59 VIOLETTA… NAKATAYO ako sa mismong tapat ng driver’s seat walang nagbababa ng salamin sa bintana at lalong walang wala yatang balak magbukas ng pintuan. Kanina pa ako nakatayo dito sa labas ng sasakyan, mukhang mali lang ako ng hinala. Mabuti pa pumasok na ako sa loob ng bahay at patulugin ko na ang anak ko. Sa pagtalikod ko, siya namang narinig kong bumukas ang pintuan ng sasakyan. Hindi pa ako nakakahakbang may mainit na mga braso ang yumakap sa akin. “Every time I’m seeing you with that man, its f*****g hurt and its f*****g killing me.” Bulong niya habang yakap-yakap niya ako. Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko, pilit na pinipigilan na maiyak. “Mahal na mahal pa rin kita Violetta,” muling bulong sa akin ni Alexander. What he said make everything in my mind more co

