Chapter 36 VIOLETTA… TAHIMIK LANG akong naka-upo sa shotgun seat nang minamaneho na sasakyan ni Alexander. Hindi kami nag-uusap pero hindi rin niya naman binibitawan ang kamay ko. Kahit na hindi ko tanungin kung saan kami papunta, dahil alam ko ang daan na tinatahak namin. We’re heading to his house right now. Pero kahit na alam kong sa bahay niya kami pupunta hindi nawala sa isip ko na may iba siyang kinatagpo na babae. Hindi matatabunan ang inis ko sa kanya nang dahil sa hinalikan niya ako kanina sa coffee shop. “Sino iyong babae na ‘yon?” hindi ko na napigilan na tanungin siya. Nilingon niya ako sandali, para lang kindatan ako. Hindi ako madadala sa kindat-kindat niya na iyon kahit na ang gwapo niyang tignan. Kahit pa ang sarap niyang halikan, at higit sa lahat ang sarap niyang lam

