CHAPTER 70 VIOLETTA… AKO NA ang tumawag kay Alessia na tulungan ako kay Ludwig, hindi ako makatawag sa mag magulang ni Ludwig. Hindi dahil sa hindi maganda ang relasyon ko sa kanila, kung hindi dahil sa nahihiya ako sa kanila. Tulad kasi ni Ludwig mababait din sa akin ang mga magulang ni Ludwig. Itinuring nila akong parang totoong anak na rin nila at apo naman si Ria. Kaya nahihiya akong malaman nila ang sinapit ng anak nila sa akin. Hanggang ngayon talaga nagsisisi ako sa mga maling desisyon ko sa buhay, sana talaga nag-isip akong mabuti noon. Hindi sana nangyari ang lahat ng ito ngayon, wala sanang gulo na nangyari. “Don’t worry too much, Candy. Maiintindihan ka nila Tita sa nangyari, hindi naman nila gusto ang lahat ng ito, lalo na ang hindi nila hawak ang takbo ng utak ng anak ni

