Third Person's POV Dahan-dahang iminumulat ni Kelly ang kanyang mga mata. Nanlalambot ang kanyang buong katawan at nanlalabo pa ang kanyang paningin ngunit dinig na dinig nya ang masiglang boses ng kanyang anak na galak na galak na makitang siya ay gising na. Natutuwa sya, naisip ni Kelly. Pero bakit? Gaano ba ako katagal nakatulog? Tanong niya muli sa sarili. Tapos naalala nya ang nangyari sakanya pagkalabas nya ng bahay nila Paulo. Sobrang bilis ng mga pangyayari, all she could remember ay umiiyak sya habang tumatakbo palayo sa bahay ng mga magulang ni Paulo then she heard the loud 'bang' then everything went black. Narinig nyang bukas ang pinto at isa-isang nagsipuntahan ang mga nurse at doctor sa pwesto nya upang i-check siguro kung stable sya. Inikot nya ang kanyang paningin at nak

