Marriage is like a cage; one sees the birds outside desperate to get in and those inside equally desperate to get out ... ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------- KELLY'S POV Pinagmasdan ko lang si Paulo habang papalayo sakin. Wala akong ginawa... ni hindi ko sya hinabol para sabihing Paulo, I'm so sorry. Ikaw naman talaga ang mahal ko e, kaso natatakot lang ako na baka kapag nagsama ulit tayo magkaroon na naman ulit tayo ng problema... at kapag nangyari ulit yun,hindi ko na kakayanin pa, baka mabaliw na ako ng sobra. Nanginginig kong kinuha ang annulment papaers na napirmahan na nya. Kinaya kong maglakad kahit pa sobrang nanginginig ang buong katawan ko. Wala na akong pakialam kung halos magkanda-dapa dapa na a

