JOHAN'S POV Habang papalapit ako sa kinaroroan ni Julius ay parang gusto ko syang ilibing ng buhay. Kung nakamamatay lang ang pagtitig kanina pa siguro sya patay at malamang bukas ay pinaglalamayan na ng mga Aries. Napatingin sya sa gawi ko sabay inilipat ang tingin sa kamay ko na ngayo'y handa syang suntukin anytime. "Johan... long time no see--" hindi ko na sya pinatapos at agad ko syang binigyan ng isang malakas na suntok dahilan para mawala ang balanse nya at matumba. Putok ang labi nya. Agad naman syang tumayo at pinunasan ang labi nya. "That's not enough, you jerk! I told you stay away from her... from MY DAUGHTER!" "Your daughter huh?" sabi nya sabay smirk. Aba't loko to ah. "Well Mr. Lim, just reminding you ... I am the biological father of YOUR daughter" he added. Isa na naman

