Hindi parin ako makapaniwala. Sa lahat ba naman ng tao sa buong mundo, si Pau~err, I mean dada pa talaga ni Jared ang makakakita sa kanya.
At ngayon nga, heto kaming dalawa magkaharap sa dining table at umiinom ng coffee. I should think a very bright idea para maka-iwas... Teka, bakit ako iiwas? Dapat sya yun, after all.. sya ang may kasalanan kaya kami nagkahiwa~arrgghh!!! kaya kami ganito ngayon.
"ahhh.. Kelly.." pagbasag nya sa katahimikan. Tumingin naman ako sakanya at halatang marami syang gustong itanong sakin. Hindi ako sumagot, isang blank expression lang ang sagot ko sakanya. "hmm...kailan ka pa nakabalik?" tanong nya.
Nag-isip muna ako kung sasagutin ko ba yung tanong nya or ignore nalang. Pero, naghihintay talaga sya ng sagot. Para kaming nasa isang classroom at may graded recitation kami. "2 days ago" sagot ko naman.
"ahh..." sabi nya tapos uminom ulit sya ng coffee. "so, nasa Paris lang pala kayo?" napatingin naman ako sakanya.."si-sinabi ni Robert sakin kanina. Matanong ko lang, kayo ba ni Robert? Kasi iba talaga yung---" di nya naituloy yung sasabihin nya sana dahil nagsalita ako.
"Ano ngayon kung boyfriend ko sya? He's smart, he's cool, he's a father figure to my son, and responsible. What more can I ask for? He's everything. Now, tell me... how about you? How's Alexis your wife?" na-shock pa sya nung nabanggit ko yung bago nya.
"Wife???" sabi nya
"Yes, your wife... Alexis? Hello???" maarte kong sagot.
"She's not my wife for Pete's sake! You are my wife Kelly!" sigaw nya
"Don't shout will you? And what are you talking about I'm your wife? The last time I remember, I even return to you my wedding ring. And what the hell you're saying she's not your wife? She is! She even mailed me your wedding photos." singhal ko sakanya.
"Anong wedding photos pinagsasasabi mo? Walang ganun!"
"Arrgghhh!! So, ako pa ha?? Ako pa ang nagsisinungaling? Just wait there.." sabi ko at kinuha ang laptop ko. Agad akong nag-sign in sa sss account ko at hinanap ang wedding photos nila ni Alexis para patunayan na sya ang nagsisinungaling. Nung nahanap ko na ay agad ko itong pinakita sakanya.. "There! So tell me, still not your wife?" gigil kong tanong.
"No!" pagmamatigas nya. "Walang naganap na ganito. Kahit sa panaginip Kelly. Kahit kailan, hinding-hindi ko sya papakasalan.. Edited lang yan oh.. halata naman e" kontra nya. Pero, hindi talaga ako kumbinsido.
"Wala nang patutunguhan pa itong pag-uusap natin. Umalis ka na."
"Are you two fighting?" biglang tanong ni Rob. Tumingin naman ako sakanya na parang nanghihingi ng tulong.. habang si Paulo naman ay di maipinta ng mukha.
"No, I'm just tired." sagot ko kay Rob. Tumingin naman ako kay Paulo at.. "And you, umalis ka na... nakakapagod ang araw na ito. Pwede ka namang dumalaw sa anak ko sa ibang araw. It's getting darker outside. Baka hinahanap ka na ng MAG-INA MO" with emphasis ko pa sinabi.
"Okay, aalis ako... pero babalik ako para kunin yung dapat na AKIN" makahulugan nyang sinabi iyon habanhg nakatingin kay Rob. Buti nalang di nya ito maiintindihan.
Oh, yes... another problem... THE COME BACK OF MY EX-HUSBAND STARTS NOW.