“Anong kailangan mo? Saka paano mo nakuha ang number ko?” nanggagalaiti sa inis na tanong ko. Nagtagumpay na akong burahin siya sa isip ko at iyon sana ang patuloy kong gagawin ngunit heto na naman siya para buwisitin ako.
“Well, I just want to remind you of our date tomorrow night. Susunduin kita ng alas-siyete riyan sa bahay ni’yo. Don’t be late kung ayaw mong madagdagan ang parusa mo,” napatingin ako sa cellphone ko dahil sa pagkadominante ng utos at banta niya. Yes, nag-uutos siya at hindi lang basta nagbibigay ng impormasyon.
“Hoy, Vinzon, wala kang karapatang utus-utusan ako. Saka umuo lang ako kanina para sa boyfriend ko. Hindi ibig sabihin no’n na tutupad ako. Bakit naman ako makikipag-date sa iyo? Hindi pa ako nasisiraan ng bait para gawin iyon!”
Pagkatapos kong sabihin iyon ay pinatay ko na ang tawag. Ilang beses pa siyang nag-attempt na tumawag pero blocked ko na ang number niya.
Nang sumunod na araw ay napangiti ako dahil wala na akong natanggap na anumang tawag mula kay Vinzon. Kaya naging maaliwalas ang buong maghapon ko.
Pero noong pauwi na ako ay tumawag sa akin si Stella para maghatid ng masamang balita. Hanggang sa maging group call na kaya present na kaming lahat.
“Paano nangyari iyon?” hindi makapaniwalang tanong ko.
“Naroroon na ngayon ang BFP at inaapula ang apoy. Hindi pa rin nila alam kung ano ang cause ng sunog,” mabilisang pagkukuwento ni Gabby sa amin.
“Guys, you know how much I exerted effort for my company. Tapos ganito lang pala ang mangyayari,” nabasag ang boses ni Denzo kaya parang kumirot ang puso ko. Hindi siya nagpapakita ng kahinaan kahit kanino, sa amin lang.
“Denzo, huwag kang mawalan ng pag-asa, ikaw ang pinakamatatag na taong kilala ko. Kaya nga malalakas ang loob namin dahil kaibigan ka namin. We will not leave you alone, okay?” pang-aalo ko sa kaniya. I heard him sob and that hurt us even more.
“I don’t know, Kish… I felt like my world turned upside down in just an hour.”
Tuluyan na siyang naiyak kaya hindi kami agad nakapagsalita.
Pagkatapos ng pag-uusap namin ay napag-alaman naming walang anumang naisalba sa pagkasunog ng buong building.
“I can’t believe that the whole Denzo Tech was erased just like that,” malungkot na pahayag ni Gabby.
“Mabuti na nga lang at uwian na kaya walang nasaktan,” komento naman ni Mariella.
“Pinaghirapan ni Denzo ang business niyang iyon. Ako pa mismo ang nag-design ng buong building. Tapos mabubura lang ng ganoon,” sambit ko naman. Sabay-sabay kaming bumuntong-hininga.
“Nasaan na si Denzo ngayon?” natanong naman ni Byron.
“Hindi matawagan. Nakailang attempt na kami ni Mariella,” sagot naman ni Stella.
“Nasa bahay niya lang iyon. Tara, puntahan natin,” yaya ni Gabby. Tumango naman agad kami bilang pagsang-ayon.
Ora mismo ay nagtungo kami sa bahay ni Denzo para lamang mas magimbal sa maaabutan namin.
“No!” malakas kong tili gaya nina Mariella at Stella. Sabay namang napamura sina Byron at Gabby.
Lahat kami ay natulos sa kinatatayuan habang nakatitig sa wala nang buhay na katawan ni Denzo habang tumatagas ang dugo mula sa ulo niya. Nagbaril sa sarili ang kaibigan namin at hanggang ngayon nga ay hawak pa rin niya ang baril na may tilamsik na rin ng dugo.
Hindi ko natagalan ang senaryong iyon at hindi ko na namalayang nawalan na ako ng ulirat.
Nang muli akong magising ay naroroon na ako sa kama ko sa bahay. Pero dagling kumirot ang puso ko at umiyak nang umiyak nang maalala ang nangyari kay Denzo.
Sa ganoong kalagayan ako naabutan ni Mommy nang pumasok siya sa silid ko para kumustahin ako.
“Mommy, wala na po si Denzo. Wala na ang kaibigan ko!” muli akong humagulgol na halos mapatid na ang hininga ko. Denzo was like a big brother to me, to us. Tapos, gano’n-gano’n lang siya nawala. Ang sakit-sakit.
“We were shocked, too, when we learned what happened. Hija, siya nga pala, nagpunta si Vinzon dito kanina. Ang sabi niya may usapan kayo pero hindi mo siya sinipot?”
Sumisinok-sinok pa rin ako dahil sa pag-iyak nang tumingin kay Mommy. Lalong napuno ng galit ang puso ko.
“Baliw ang lalaking iyon, Mommy. Gusto niya akong i-date kahit alam niyang may boyfriend na ako. Isa pa, kaaway din siya ng mga kaibigan ko. Kaaway siya ni Denzo! Kaya hindi na ako magtataka kung sakali mang malaman naming may kinalaman siya sa nangyari sa kumpanya ni Denzo!” bigla na lamang akong napasigaw sa matinding sama ng loob.
“Kishree! Bakit ka nagsasalita ng ganiyan? Nakita mo ba ang pangyayari? Be careful with what you are saying. Nasa balita na at faulty wirings ang pinagsimulan ng sunog. Alam mo bang puwede kang makasuhan kung hindi ka magiging maingat?” bigla ay sermon naman ni Mommy sa akin. Pero hindi ko na siya pinansin pa at muli lang akong naiyak.
“Basta, Mommy, I hate that man! I hate him with all the fiber I have in my body!” deklara ko at muli nang humagulgol.
Sa loob ng tatlong araw ay naging laman ng mga balita ang nangyari kay Denzo at sa kumpanya niya. Lahat kami ay pinagkakaguluhan ng media ngunit wala ni isa man sa amin ang nagpaunlak ng interview.
Gabi-gabi kaming nagbabantay sa burol ni Denzo at hanggang ngayon ay hindi pa rin kami makapaniwalang wala na siya. Ikalimang araw na ng burol niya ngayon at bukas na nga ang libing niya.
“Kishree, ang Daddy mo nasa labas kasama ang Mommy mo at si Vinzon!” pagbabalita sa akin ni Mariella. Kasalukuyan akong nakikipag-usap kay Tito Gary. Isa kasi siya sa mga stockholders ng university at ipinagtatapat na niya sa akin ngayon ang totoong kalagayan ng school.
“Sige, lalabas na ako mamaya. May kausap lang ako saglit,” sagot ko naman. Tumango lang ito at iniwanan na ako.
“Paano po nangyari iyon, Tito? As in wala na po tayong ibang asset na magagamit?” hindi makapaniwalang tanong ko.
Sinabi niya sa akin na talagang halos zero balance na ang account ng university at nakapagbenta na rin daw ng ilang properties si Daddy para ipasuweldo sa mga staff at pang-maintenance ng buong school.
“Ang tigas kasi ng ulo ni Kuya. Bukas ay darating na ang mga equipment para sa ospital at ni hindi namin alam kung saan kukunin ang pambayad. Buti sana kung milyones lang, billions na Kishree. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak ng Daddy mo!” may halong galit na ring pagbibigay-alam sa akin ni Tito. Si Tito Gary ay bunsong kapatid ni Daddy.
“Tito, pupuntahan po kita bukas pagkatapos ng libing. Naririto na rin kasi sina Daddy kaya kailangan ko na silang puntahan,” paalam ko. Pero sa totoo lang marami pa sana akong gustong itanong at malaman.
“Alright, Hija. Sana nga malusutan natin ito. Kung hindi, siguradong sa kangkungan tayo lahat pupulutin! The other board members are already suspecting kaya kinakabahan na talaga ako,” sabi pa niya. Lalo lang tuloy bumigat ang dibdib ko.
“Sige po, Tito. Mag-usap na lang po ulit tayo bukas,” paalam ko naman bago tinapos ang tawag.
Paglabas ko ay hindi nga ako nagkamali dahil naroroon nga si Vinzon at kasama sina Daddy at Mommy.
Nasa unang hanay sila ng upuan at nasa kabila naman ang mga kaibigan kong halatang hindi rin maganda ang timpla dahil nandito si Vinzon.
“Saan ka galing, Hija? Kanina ka pa namin hinihintay?” mahinang tanong ni Mommy.
“May kausap lang po ako sa phone, Mom. Hi, Dad!” ngumiti ako nang batiin si Daddy at sinikap kong huwag mapadako ang mga mata ko kay Vinzon.
“Hello, Tito, Tita, good evening po. Hi, babe, sorry I’m late. Medyo hectic kasi ngayon.”
Napalingon kaming lahat kay Yohan. Kararating lang nito at kita ko ang matinding pagod sa mukha niya. Nakaramdam tuloy ako ng awa kaya nilapitan ko siya at yumakap ako sa baywang niya.
“Ang mahalaga ay nandito ka na. Kumain ka na ba?”
Sinadya kong maging sweet sa kaniya para ipakita kay Vinzon. Siguro naman ngayon pa lang dapat ay alam na niya ang lugar niya.
“Good evening din, Hijo,” naunang sumagot si Mommy kaya nabaling agad ang atensiyon ni Yohan sa kaniya. Si Daddy naman ay tumango lang at tipid na ngumiti.
“Mom, Dad, doon po muna kami,” paalam ko. Magkasunod naman silang tumango. Dumating na rin ang Mommy ni Denzo kaya naging abala na sa kaniya ang mga parents ko.
“Look, Kishree, alam mo ba mula nang lumabas ka, sa iyo lang nakatutok ang mga mata ng Vinzon na iyan. He looked at you differently at ako mismo ang kinakabahan,” bulong sa akin ni Stella. Kahit gustong-gusto kong lingunin si Vinzon para makita ang sinasabi niya ay hindi ko ginawa.
“Hayaan mo lang ang lalaking iyan. Bahala siya sa buhay niya,” galit kong sagot. “Nasaan nga pala sina Byron at Gabby?” natanong ko dahil wala sila rito.
“Bumili ng alak. Mag-iinuman daw. Lalo na si Gabby, masamang-masama ang loob kaya idadaan na lang sa inom,” pagbibigay-alam naman ni Mariella sa akin. Malungkot lang akong tumango.
Gusto ko rin sanang ikuwento sa kanila ang problema ng university pero nagbago ang isip ko. Masiyado na silang maraming iniisip at ayaw ko nang dumagdag pa.
Kasunod niyon ay dumating na rin sina Byron at Gabby.
“Guys, wait lang. Ihi lang ako.”
Tumango lang sila sa akin. They are playing cards now with Yohan. Tumayo ako at tinungo na ang ladies’ room.
I relieved myself then fixed it a little. Walang kahit na anong makeup sa mukha ko. Kahit lipstick man lang. Mabuti na lang at natural nang makapal ang kilay at mga pilikmata ko. Pero halata pa rin ang puyat at pagod.
Ngunit paglabas ko ay ang pinakaayaw kong tao pa ang nakita ko – si Vinzon. Balak ko sanang lampasan na lang siya at huwag pansinin pero hinaklit niya ang braso ko kaya napadaing agad ko sa sakit.
“Ano ba’ng problema mo?” asik ko agad sa kaniya pero nginisian lang ako.
“Wala lang. I just miss you,” saad niya at hinila ako pabalik sa loob ng ladies’ room.
Nanlaki ang mga mata ko nang mabilisan niyang i-lock ang pintuan at isandal ako sa dingding.
“Ano’ng ginagawa mo? Ako ba talaga hindi mo titigilan, ha?” sigaw ko na sa kaniya. Parang nananadya na kasi siya at hindi na nakakatuwa ang mga ginagawa niya.
“I told you to never treat me harshly. Now, let me punish you,” deklara niya at walang babalang siniil ako ng halik sa mga labi.
Lalong nanlaki ang mga mata ko at nagpumiglas ako pero wala akong laban sa lakas niya. Pilit akong nanlalaban at nagpupumiglas pero idiniin niya ang sarili sa akin at mas dumiin din ang pagkakalapat ng mga labi niya sa mga labi ko.
“Hmmppp… ano na ba! Hmmppp…”
Hindi ako makawala sa diin ng mga halik niya at pagkakabihag niya sa katawan ko. Malayong matangkad siya sa akin kaya para lamang akong laruan sa kaniya.
Ngayon ay nagpupumilit siyang ipasok ang dila sa bibig ko pero hindi ako pumayag. Hinila niya ang buhok ko palikod kaya napadaing ako at umawang ang mga labi ko.
Kinuha niya ang pagkakataong iyon para magawa ang gusto niya. He immediately found my tongue and explored my mouth with all his might. Wala akong magawa, nangangatog ang tuhod ko at pagod na akong magpumiglas dahil wala namang nangyayari.
Nang sa wakas ay pakawalan niya ang mga labi ko, para akong isdang inalis sa tubig na sisinghap-singhap para sumagap ng hangin.
“You will have more soon, baby! So be good to me if you don’t want to get hurt!” deklara niya at parang walang nangyaring lumabas ng banyo at iniwan akong tulala.
Ni hindi ko makapa ang sarili sa susunod na dapat kong gawin. Nakatayo lamang ako roon at tulalang nakatingin sa kawalan.
_______________________
Hi Guys,
Kung may bago akong readers dito, Pa-follow naman po. May mga completed stories din ako. Search nio lang ang Pen Name ko MISS THINZ.
Grabe nagulat ako sa taas ng added reads at follows ng story na ito. Kokonti ang comments kaya kala ko walang nagbabasa hahaha yung pala silent lang kayo... Thanks po guys!!!
Sa mga nagtatanong, hindi nga po ito magla-Lock kasi magiging Physical book siya soon. Puwede na rin magpa-reserve sa August ang mga gustong mag-avail nito. Salamat po!!!