Roux POV Pagdating ko sa sala. Nakita ko agad sina tito, Janelle at si tita. Nakatingin ng masama si Janelle at si tita sa'kin habang sina tito ay nakangisi. Tila naman ako'y isang batang nahuling gumagawa ng kasalanan dahil agaran ko namang nakuha ang kahulugan ng tingin nila, siguro alam nila ang mga nangyari sa'min ni Rei saka sino ba namang hindi, kung kanina ay agad ko na lamang kinuha si Rei mula kay Janelle at syempre ang hindi namin pagbaba upang mananghalian. Pero nakakahiya naman na magsalita ako, wal e' sadyang nagdilim ang aking mga mata nang malaman kung may balak itong tumakas habang hindi man lang humihingi ng permiso. Sino naman ako 'di ba? Ako lang naman ang nagnakaw sa kaniya mula sa panibagong buhay niya ngayon, sa buhay na hindi na ako kasama. Ngunit masisisi ba ni

