Huminto ang sinasakyan namin sa pamilyar na bahay ni Zandro. Mabilis akong bumaba ng sasakyan pagkahinto nito at halos takbuhin ko ang malaking pintuan ng bahay. Alam ko kasing nasa bahay na ito ang isa pang taong gustong-gusto ko nang makita. Bago pa ako makaakyat sa unang baitang ng hagdan sa patio ng bahay ay agad kong nasilayan ang taong hinahanap. Pareho kaming saglit na tumigil sa paghakbang at nagkatitigan muna bago sabay na tinakbo distansiya sa pagitan naming dalawa. Iglap lang ay nasa mga bisig na ako ni Phil at halos hindi na lumapat ang mga paa ko sa sahig dahil sa pabuhat niyang pagkakayakap sa akin. I'm home. Iyon talaga ang pakiramdam ko ngayon. Pinagsawa ko ang sarili sa yakap ni Phil na ilang buwan ko ring di naranasan. Mananatili pa sana ako sa ganoong posisyon per

