PHIL'S POV Isang malaking ngiti ang nakapaskil sa mga labi ko habang pinanood ang dalawang pinakamahalagang tao sa buhay ko. Today is the most awaited wedding of the very elusive Zandro Carson and his real life Cinderella, Shie Coralles... our beautiful queen. Tapos na ang seremonyas ng kasal.at nandito na kaming lahat sa wedding reception. Lingid sa kaalaman ng lahat ay nauna na kaming ikasal sa Austramica na dinaluhan at sinaksihan ng mga mahahalagang tao sa aming buhay. That's the best day of my life. Unang pagkakataong nasaksihan ng buong Austramica ang pag-iyak ng isang Zandro Carson. Sino bang mag-aakalang ang simpleng pagsasabi ng wedding vow ang tanging magpapaiyak sa isang Zandro Carson? After the wedding in Austramica, we spent our honeymoon abroad. I never felt this

