( Renz ) Ngiting ngiti akong nakatitig sa box na dala ko na naglalaman ng cake. "Panigurado magugustuhan ito ni Patty." Nakokonsensiya ako dahil wala man lang akong naibigay sa kanya noong official member na siya ng Zairin Band at noong ni-welcome siya ng Zairin Boys. "Kuya Santy!" Natigilan ako, no'ng marinig ko iyon para akong itinulos sa kinatatayuan ko at nanlaki ang mga mata habang nakatitig sa taong tumawag sa'kin at kumakaway na nakangiti. Bumalik sa alaala ko ang mga pangyayari noon na pilit ko ng ibinabaon sa limot. 'Bakit ganito? Ano 'tong nararamdaman ko? Hindi ako makagalaw.' Narinig ko na lang ang sigawan ng mga tao sa paligid ko at ang pagsigaw muli ng isang tao sa pangalan ko na pilit ko na ring kinakalimutan. "KUYA SANTYYYYY!!!" Hindi ko na alam ang nangyayari pero

