( Patty ) Naririto ako sa bahay at nag-aayos na upang pumasok sa school. Ano man ang narinig ko sa hospital kahapon isasantabi ko na muna. Gusto kong sila mommy at daddy ang magsabi sa akin ng lahat ng mga katanungan na nasa isip ko ngayon. Nakangiting pumasok ako sa gate ng makita si Lina katabi si.....kuya Renz? Nakangiti ang mga itong nag-uusap. Naroroon ang mga ito sa tapat ng fountain sa gitna, naka-upo. Hindi nila ako napapansin dahil nakatagilid ang mga ito sa gate kung saan ako naroroon. Aba teka! Close na sila ngayon? Kinilig ako para kay Lina. Nagmadali akong naglakad upang lapitan ang mga ito ngunit nagtatakang napahinto rin hindi pa man ako nakakailang hakbang. Maging si Prince lumapit kela Lina at kuya Renz, nakangiti nitong ginulo ang buhok ni Lina. "Kailan pa sila nagin

