( Patty ) Tulala akong naglalakad pauwi sa bahay namin. Hindi ako nagpasundo sa driver namin upang makapag isip-isip pa. Naririto na ako sa labas ng subdivision kung saan kami nakatira. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit nagawa sa akin ito ni Lina. Wala akong maisip na dahilan para traydurin niya ako. I treated her as my friend, para na nga kaming mag best friend e. Iba kasi siya sa mga estudyante dito, she's pure at hindi siya nag-alinlangan na lapitan ako kahit na bago lamang ako sa school na ito. Kaya't masakit para sa akin na makitang inaangkin nito ang kwento namin ni Gelo sa harap mismo ni Prince. Bakit hindi ko nakilala agad si Prince na siya pala ang Gelo na hinahanap ko? Siya ba talaga si Gelo? Paano nalaman ni Lina na si Prince si Gelo? Masyado ng maraming tanong ang umi

