CHARMAINE Pagkatapos ng pang-aasar ko kay Jayden ay naging seryoso rin naman ako. Nanghingi na rin ako ng tawad kasi hindi ko naman sinasadya na ihuli siya sa lahat ng mga binalak kong imbitahan, hindi ko naman talaga intensyon na siya ay malagay sa panghuli. Talagang nagkasira-sira lang dahil hindi ko nga siya naabutang nasa classroom pa kanina. Kaya, bumalik na rin sa normal ang sigla ng kanyang aura at bumalik na rin ang mga ngiti niya sa kanyang labi. Wala naman na rin kaming ibang napag-usapan pa bukod doon sa aming review session na siyang hindi ko pa naman din alam kung kailan gaganapin, wala pa naman kasing sinasabi sa amin ang mga teachers namin kung kailan ang mismong exam date namin kaya’t wala rin kaming ideya roon. Wala namang problema kasi nga binibigyan naman nila kami pala

