CHARMAINE Natapos na ang pagno-nominate at ang mismong botohan para sa mga magiging overall officers ng school namin, isang lalaki mula sa ibang class ang naging escort ni Athena, si Zyone. Binigyan kami ng saglit na oras para makapagpahinga or makapag-usap muna sa mga kasamahan namin. Hindi naman against si Sir Alfred sa mga ganoong klase ng bagay, marahil dulot na rin iyon ng edad niya, nasa 20s pa lang kasi siya pero principal na agad siya ng aming school. Kaya go lang siya sa halos lahat ng gustuhing gawin ng mga estudyante sa school na ‘to, minsan pa nga ay nakikihalubilo siya sa mga grupo at magkakasing-vibes lang din sila. Anyway, pinayagan na rin kaming umupo sa mga katabi naming upuan kaya nakahinga na ako ng maluwag. Kasi kanina pa ako napapagod sa katatayo, pasado isang oras na

