STACY'S POV "A-Ano?! K-Kapatid ko si Sky?" para akong napako sa kina-uupuan ko nang marinig ko ang kwento ng dating yaya na nagtatrabaho samin. Pinuntahan niya kasi ako dahil nalaman niyang alam ko na palang ampon ako. At narinig niya daw na nag-uusap ang kinilala kong mga magulang tungkol sa mga totoo kong magulang noon. "P-Pero Maam Stacy,sa pagkakaalam ko eh may malalim daw na dahilan ang nangyari. P-Puntahan niyo nalang si Mr. Marcelo Suarez. Sa pagkakaalam ko po eh siya daw ang nagbigay sayo kay Maam Alicia." Pagpatuloy niya pa. Marcelo Suarez? Sino naman siya? Agad akong umalis at nagpunta sa bahay nina Sky. Naabutan ko si Annie dun. "Oh,Stacy? Anong ginagawa mo dito?" bungad niya. Kung kapatid ko si Sky,sino naman si Stacy sa buhay namin? "Nandyan ba si Sky?" tanong ko sa kan

