DRAKE'S POV Nakapamulsa akong naglalakad sa Mafia Town. Kinuha ko ang phone ko saka tinawagan si Sky. "Wtf. Out of coverage na naman?!" inis na bulong ko saka ko sinipa ang basurahang nasa harap ko dahilan para matigil ang mga tao sa paligid ko. Nang makilala nila ako ay agad silang yumuko bilang paggalang sakin. "Tss." Ang nasabi ko sa sobrang inis ko saka ako naglakad ulit. Patuloy ko pa ring iniisip kung sino ba ang gustong pumatay kina Sky. At ano namang alam nila sa mga ganoong bagay,diba? Pero dalawang rason lang naman ang sumagi sa isip ko eh. It's either na meron silang nakaaway na hindi nila alam na gangster o.. isa silang gangster. Iniling-iling ko ang ulo ko. Imposible yun. Walang alam si Sky sa mga ganoong bagay. At hindi rin pupwede,kapag nagkataon..pwede siyang madamay

