“Hindi ako pumapayag.” Napaangat ng tingin si Mr. Reyes nang marinig ang sinabi ng isa sa may pinakamalaking shares sa agency. Of course, bumoto na ang mga kasama niya na isali si Shiela, pero nasa may pinakamataas na naghahawak pa rin ng share ang approval. Kung pagsasamahin ang shares nilang lahat ay nasa kalahati lang ang aabutin nito sa shares ng lalaki. “Why? I mean, p’wede natin gamitin ang palabas ni Mr. Kim para magkaroon pa ng exposure ang batang artista natin,” pagtanggol niya habang nakatitig sa malaking LED sa meeting room. Never pa nilang nakita ang lalaki, ngunit base sa pigura nito ay hindi pa ito may edad pa, malalim ang boses at hindi nagpapakita ng itsura. Ang alam ng lahat ay nasa Zurich ito naglalagi at hindi pa umuuwi ng Pinas. “I said no. Hindi ba natin mabibigyan

